Mga anak, sinopla sa paseksi, marumi raw ang bibig niya… ATTY. TOPACIO SA NANAY NINA ANNE AT JASMINE: ‘WAG KANG OA!
- BULGAR

- 16 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 24, 2026

Photo: Atty. Ferdinand Topacio via Ateng Janiz Navida
Muli naming nakatsikahan ang matalino at super witty na celebrity lawyer at producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdinand Topacio sa get-together niya sa ilang kaibigang press people kahapon.
Halos two weeks pa lang yata ang nakararaan nang maging controversial na naman si Atty. Ferdie dahil sa naging komento niya sa “Cong. Bong Suntay-Anne Curtis pantasya issue”, kung saan pati ang younger sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith at nanay nilang si Mrs. Carmen Curtis-Smith ay nadamay din nang ipagtanggol ang TV host-actress.
Para maging malinaw sa lahat kung bakit “nakisawsaw” si Atty. Topacio sa isyu, diretso namin siyang tinanong kung saan siya nanggagaling sa kanyang inilabas na opinyon.
Panimula niya, “Nainis lang ako kasi, ‘yung sinabi ni Rep. Suntay, although to some people, it maybe in poor taste, hindi naman niya binabastos si Anne Curtis. He was just trying to emphasize one point. There is absolute freedom of thought. Minsan, nabubuwisit ka sa kapitbahay mo, gusto mong patayin, gusto mong sakalin. Basta hindi mo ginagawa, eh, di okay lang. ‘Yun ang sinasabi ni Suntay.”
Kaso raw, dahil nabuyo ni Gabriela Partylist Rep. Sarah Elago sina Anne at Jasmine na misogynist at sexist si Suntay, bumanat ang mga ito na ikinainis niya ang pagiging hypocrite diumano ng magkapatid.
“Sabi ko, bakit ‘yung mga nire-rape ng NPA, may alegasyon ng rape sa Kabataan Partylist. Maraming biktima ng krimen. Palibhasa, kakampi n’yo ‘yung partylist, hindi kayo umiimik. Ito, hindi naman ito rape, wala namang phsyical touching, may sinabi lang, galit na galit kayo, idedemanda n’yo. Idedemanda sa Ombudsman.
“Hindi ba nila alam sa constitution, hindi nila puwedeng idemanda ang congressman for anything said during a congressional hearing, except for an ethics complaint?
“So, over reaction para sa akin, hypocrisy, ‘di ba? So, sabi ko, common sense. ‘Yan ang sinasabi sa akin ng magulang ko, eh. Kung ayaw mong mapintasan ka, ‘wag kang gumawa ng kahit anong bagay. Sabi ko, kung ayaw mong pagnasaan ka, ‘wag kang mag-post ng sexy picture.
“Kasi real talk, bakit ka ba nagpo-post? Ano’ng puntos mo? Hindi ba, for people to find you attractive sexually? Kasi sex sells sa showbiz.”
Kaya kung pinagpapantasyahan man daw si Anne, wala namang problema ru’n dahil natural ‘yun sa mga lalaki at nasa isip lang naman daw ‘yun.
At dahil nagsalita na nga ang nanay nina Anne at Jasmine at sinabihan pa siyang may
“filthy mouth”, sagot dito ni Atty. Ferdie, “Natatawa nga ako. Sabi niya, ‘Atty. Topacio, you have a filthy mouth.’ Ano ba’ng sinabi kong filthy? Did I say any filthy words?”
Hamon pa niya kay Mrs. Carmen Smith, pumunta raw ito sa Instagram ni Jasmine kung saan naka-post ang sexy picture ng anak at du’n mababasa ang mga comments ng netizens na “Great body,” “Titikman,” “Ang sarap!” na sabi ni Atty. Ferdie, wala naman daw siyang sinabing ganito sa magkapatid para sabihan siyang “filthy mouth”.
Dagdag pa ni Atty. Ferdie, kung okay lang sa nanay nina Anne at Jasmine na nagpo-post nang sexy ang magkapatid sa socmed, wala siyang magagawa ru’n.
“Pero kung ako, may anak na babae, at nagganu’n, babatukan ko ‘yun, eh. At hindi ako papayag. Pero kani-kanyang standards tayo. So, hayaan mo na siya.
“Pero ‘wag mong sasabihin na I have a filthy mouth. What filth did I say against your daughter? Sabi ko lang, kung ayaw mong pagnasaan ka, ‘wag kang mag-post ng sexy picture. Binastos ko ba ‘yung anak niya? OA, eh!” prangkang pahayag ng sikat na celebrity lawyer.
Samantala, isa pang naibalita sa amin ni Atty. Ferdinand Topacio kahapon ay sumulat pala siya kay Sen. Robin Padilla at nagmungkahi na gumawa ng batas kung saan ang mga kumukunsinti umano sa mga nakakasuhan ng sexual harassment ay mapatawan din ng kasingbigat na parusa ng akusado nang magkaroon daw ng takot ang mga gumagawa nito.
Naisip ito ni Atty. Ferdie dahil sa sunud-sunod na celebrity cases na nahawakan niya na iisa ang isyu – sexual harassment – at inihalimbawa pa nga nito sina Bea Binene, Yasmien Kurdi, Gerald Santos, Sandro Muhlach at maging si Rita Daniela, na ironically, pare-pareho umanong Kapuso stars.
Katwiran ni Atty. Ferdie, kung may malinaw na batas tungkol dito kung saan puwede ring makasuhan ang mga mapapatunayang ‘kumukunsinti’ sa sexual harassment, hindi raw siguro mangyayari ang ganitong senaryo nang paulit-ulit.
In fairness naman daw sa mga may-ari ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon at Ma’m Annette Gozon, alam daw niyang maka-Diyos at mababait ang mga ito, pero ‘yung mga taong nasa ilalim diumano na nagko-cover up sa issue ng sexual harassment, ‘yun ang gustong makasuhan ni Atty. Topacio kaya gusto niyang maging batas ito sa pamamagitan ni Sen. Robin Padilla.
Well, gets namin ang point ni Atty. Ferdinand Topacio at maganda naman ang purpose niya sa pagsusulong na maging batas nga ito, kaya wait natin kung ano’ng magiging aksiyon dito ni Sen. Robin.
Anyway, natanong din namin si Atty. Ferdie kung pabor ba siyang tumakbo uling senador si Robin sa next election kung hindi nito feel maging VP ni Sara Duterte na tatakbo naman daw na pangulo.
Positibo ang sagot ni Atty. Ferdie dahil aniya, hindi man sobrang talino si Robin tungkol sa mga batas, nakikita niya ang bukal sa pusong pagtulong nito kaya naniniwala siya na dapat pa ring magkaroon ng puwesto sa Senado ang aktor.
Hmmm… Eh, bakit kaya hindi na lang si Atty. Topacio ang tumakbong senador, tutal, mas marami siyang alam at magagawang pagbabago kung saka-sakali.
Naku, naiisip pa lang namin na nasa Senado siya, parang nakikita na namin kung gaano kasaya ang magiging debate at balitaktakan du’n.
Lalaking Miriam Defensor-Santiago (RIP) lang, ‘di ba?












Comments