‘Meteor’, bumagsak sa Palawan… Pagsabog at pagyanig, naramdaman ng mga residente
ni Lolet Abania | January 8, 2023

Nagulantang ang maraming residente sa bayan ng Bataraza at Rizal sa Palawan nang makarinig sila ng pagsabog habang naramdaman ang pagyanig sa lugar matapos na isang ‘di matukoy na bagay ang bumagsak mula sa langit nitong Sabado ng gabi.
Sa report ng GMA News, ang sinasabing falling object, na tila isang ‘meteor’, ay nakita bandang alas-7:00 ng gabi ng Sabado.
Ayon kay Eddie Bonsato ng Bataraza Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nakita niya ang naturang falling object, kung saan ang hugis nito ay gaya ng isang bola. Aniya, matapos ang 15 minuto, nakarinig nakarinig sila ng isang pagsabog at nakaramdam ng pag-uga ng lupa.
Samantala, ayon kay Anthony Lorenzo ng Rizal MDRRMO, kumakalap pa sila sa ngayon ng mga impormasyon hinggil sa nangyari dahil aniya, nakatanggap lamang sila ng mga reports tungkol sa insidente mula sa mga lokal na opisyal bandang alas-9:00 ng gabi nitong Sabado.
Matatandaan na noong nakaraang buwan, hinimok ng Philippine Space Agency (PhilSA) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang publiko na magsagawa ng mga precautionary measures dahil sa inaasahang falling debris mula sa ginawang rocket launch ng China noong Disyembre 29, 2022.
Base sa Notice to Airmen (NOTAM) na inisyu ng Civil Aviation Administration of China (CAAC) sa CAAP, “the expected fall of unburned debris was projected to fall within a drop zone area located within the vicinity of Recto bank, approximately 137 kilometers from Ayungin Shoal and 200 kilometers from Quezon, Palawan.”
Ayon sa PhilSA, kabilang sa inaasahang unburned debris ay rocket boosters at payload fairing.
Anang pa ng ahensiya, ang mga debris ay posible ring lumutang o mag-float sa paligid ng lugar at tumama patungo sa mga kalapit na mga baybayin.





Comments