Merry Christmas sa lahat, maging inspirasyon tayo sa kapwa
- BULGAR
- Dec 24, 2023
- 1 min read
ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 24, 2023
Ngayong araw ay siguradong busy na ang lahat sa paghahanda para sa kanilang Noche Buena habang naghihintay ng Pasko.Ang Pasko ang isa sa pinakamasaya at pinaka-exciting na holiday para sa ating mga Pilipino.Hindi nga ba at pagtungtong pa lang ng “ber” months ay sinisimulan na natin ang mga pagdiriwang.Ang maganda pa rito, gaano man kasimple ang selebrasyon, lagi tayong nakakahanap ng dahilan para ngumiti at tumawa sa piling ng ating mga mahal sa buhay.
☻☻☻
Dalangin ko na sa gitna ng ating mga salo-salo, hindi natin makalimutan na ang Kapaskuhan ang sumisimbolo sa dakilang araw ng kapanganakan ni Hesu-Kristo.Patuloy sana tayong bigyan ng Maykapal ng pusong puno ng pagpapasalamat.
At nawa’y maging inspirasyon tayo sa ating kapwa upang panatilihing buhay ang diwa ng pagmamahalan at pagbibigayan.
☻☻☻
Let’s make happy memories this Christmas, and let’s fill our homes with love, life and laughter.Maghari sana ang pagmamahalan ngayong Kapaskuhan at mabiyayaan sana tayo ng mabuting kalusugan at kaligayahan.Merry Christmas po sa lahat!
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments