top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Men's volley, may tsansa; Fans ni Valdez, naghihimutok

BULGAR
Sep 16, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | September 16, 2021



Kumpiyansa ang coach ng PH men’s national volleyball team na malaki ang tsansa nilang manalo sa paglahok nila sa Asian Men’s Club Volleyball Championship na gaganapin mula Oktubre 8-15 sa Thailand.


Matatandaang ilang manlalaro ng national team ang naglaro sa ibang bansa ang hindi naging bahagi ng national team.


Ayon kay coach Dante Alinsunurin, kumpleto ang kanilang manlalaro na sasabak sa torneo sa Thailand. “Sa ngayon ay doble kayod ang ginagawa nilang ensayo para sa nasabing torneo,” ayon kay Alinsunurin. Matatandaang nalugmok sa silver medal ang national team noong 2019 Southeast Asian Games.


Samantala, libo-libong fans ng itinuturing na volleyball icon ng Pilipinas na si Alyssa Valdez ang nagpahayag ng galit sa coaches ng Philippine team na sina Brazilian Jorge Edson Souza de Brito at Odjie Mamon dahil sa hindi pagkuha sa manlalaro bilang miyembro ng national team dahil sa umano’y maliit at matanda na.


Ang dalawa ang inatasan upang mamili kung sino ang dapat paglaruin sa national team na isasabak ng bansa sa mga international competitions.


Marami ang natawa dahil sa edad na 28 ay itinuturing ni De Brito at Mamon na si Valdez ay matanda na at sa taas na 5 foot 9 ay itinuturing itong maliit na manlalaro.


Ayon sa mga fan, bulag yata itong si De Brito at dapat pabalikin na sa Brazil dahil ang sinasabi nitong walang maibubuga sa larangan ng volleyball ay ang pinakamagaling ng spiker sa bansa.


Hindi rin alam ni De Brito at nakalimutan ni Mamon na si Alyssa ang nagpasikat ng larong volleyball sa bansa na minsan nang hindi pinapansin at nilalangaw na sports sa Pilipinas.


Sa statement ni Souza de Brito, nireview umano niya ang video ng SEA Games at PVL noong isang buwan at sinabi nitong hindi nakapasa si Alyssa sa criteria para makapasok sa 25 member team ng national team.


Dapat umano’y ipa-check ni Souza de Brito at Mamon ang kanilang mga mata dahil si Alyssa ang heart and soul ng kanyang team at laging sandigan ng national team sa pagsabak nito sa mga international competitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page