Melody's Diamond at Pilya magsusukatan sa Sta. Ana
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 17, 2022
Masusubukan ang husay ng magka-kuwadrang Melody's Diamond at Pilya sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Rerendahan ni Dan Camanero si Melody's Diamond habang si MA Lanot ang gagabay kay Pilya sa karerang nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
May distansyang 1,300 meter race, komento ng mga karerista sa social media na mahirap na karera ang grupo nina Melody's Diamond at Pilya kaya ayon sa kanila ay mga dalawa hanggang tatlong kabayo ang puwede nilang isama sa tatayaan na winner-take-all, (WTA).
Sa race 1 ang simula ng winner-take-all, ang ibang kalahok ay sina Speed Wonder, Dansalan, Northern Fame, Expensive at Jade's Treasure.
Kukubrahin ng mananalong kabayo ang karagdagang premyo na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na kabayo sa Condition Race 23 na pakakawalan sa pang-anim na karera.
Inaasahang liyamado sa laban ang kalahok na si Shalom na sakyan ni jockey AM Tancioco sa distansiyang 1,300 meter race.
Makakatagisan ng bilis ni Shalom sina Black Magic Woman, Konzeelanz, Musikera, Sweetness at Lion's Gate.
Samantala, 7 karera ang pakakawalan ngayon ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI), magsisimula ang karera ng 5:30 p.m.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Melody's Diamond/Pilya (2/2A), Northern Fame (4)
Race 2. Lady Arya (2), Flashy (4)
Race 3. Shine (2), Sinag (5)
Race 4. Bull Star Rising (5), Ten Ten Forty (6)
Race 5. Extremely Tough (4), Red Hawk (5), Stark (1)
Race 6. Shalom (1), Black Magic Woman (2)
Race 7. El Lider Maximo (8), Cannon Ball (1), Olympic Gold (6)





Comments