top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Melliza ng Kaya FC, bumida kontra Mendiola sa Copa Cup

BULGAR
Apr 13, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 12, 2022



Isinalba ng beteranong si Jhan Melliza ang pinaghirapang panalo para sa defending champion Kaya FC Iloilo laban sa Mendiola FC 1991, 1-0, sa pagpapatuloy ng 2022 Copa Paulino Alcantara Lunes ng gabi mula sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite. Sa sumunod na laro, naitakas ng Azkals Development Team ang 1-1 tabla kontra sa Stallion Laguna FC.

Ganado ang Mendiola matapos silang tumabla sa bigating United City Football Club noong nakaraang linggo, 0-0, at dala nila ito laban sa mga kampeon. Inabot hanggang ika-69 minuto bago maka-goal nang tapikin palayo ni Michael Asong ang bola at gumulong ito papunta kay Melliza na agad isinipa papasok.

Umakyat ang Kaya sa 7 puntos buhat sa 2 panalo at isang tabla upang manatili sa 2nd place at patuloy ang paghabol sa numero unong UCFC na may 8 puntos. Isang puntos pa rin ang Mendiola at kailangang manalo sa dalawang nalalabing laro upang magkaroon ng pag-asa sa semis.

Walang kabang ipinasok ni kapitan Scott Woods ng Azkals ang bola mula sa kanyang free kick sa ika-87 minuto upang pumantay sa Stallion. Ginawaran ang Azkals ng free kick matapos patumbahin ni Griffin McDaniel ng Stallion si Dennis Chung.

Gamit ang kaliwang paa, lumipad ang bola lampas sa depensa ng Stallion at lumihis patungo sa kaliwang poste. Napatingin lang si goalkeeper Hayeson Pepito at ginawa lahat ng Stallion na makabawi subalit kinapos sa oras.

Bago noon, nakauna ang Stallion sa pamamagitan ng goal ni Leonardo Nogueira sa ika-19 minuto. Nabitawan ni goalkeeper Enrico Mangaoang ang bola at agad tumakbo papalapit ang Brazilian para sa unang goal ng Stallion ngayong taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page