top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Meghan Maxene, wagi sa Handicapping System

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 6, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 6, 2022


Hindi binigo ni Meghan Maxene ang kanyang mga tagahanga matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Nagpakitang gilas si Meghan Maxene sa distansiyang 1,200 meter race na pinakawalan sa pangatlong karera, inirehistro nito ang tiyempong 1:12 minuto.


Sinakyan ni jockey YL Bautista, kinubra ng winning horse owner ang added prize na P5,000, dumating na segundo si Space Jam habang pangatlo si This Time.


Sa naganap na isa pang PHILRACOM-RBHS kuminang sina jockey NC Lunar at Alonzo Hall nang masilo nila ang panalo.


Swak sa balya sa huling kurbada si Alonso Hall kaya naman walang traffic ito sa kanyang pagremate. Lumabas na pang-lima si Alonso Hall upang panoorin ang mga matutulin sa largahan na sina Kathy N Alice at My Way.


Nag-ubusan ng lakas sa unahan sina Kathy N Alice at My Way habang nasa tersero at pang-apat sina Havana Ohhnana at Jade's Treasure.


Papasok ng far turn ay umuusad papalapit sa unahan si Alonso Hall kaya naman sa rektahan ay nakuha na nito ang unahan.


Inirehistro ni Alonso Hall ang tiyempong 1:11.4 sa 1,200 meter race upang manalo ng may isang kabayong agwat sa pumangalawang si Kathy N Alice.


Nasungkit ng winning horse owner ang added prize na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Dumating na tersero si Havana Ohhnana habang pumang-apat si My Way.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page