Mega, proud na idinispley ang katawan… SHARON KAY KC: PASALAMAT KA, NAMANA MO ANG MALAKI KONG PUWET!
- BULGAR

- Jan 7, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 9, 2021
Julie Bonifacio - @Winner | January 7, 2021

Pinagbigyan ni Megastar Sharon Cuneta ang mga request ng mga netizens na mag-post siya ng whole body picture na naka-swimwear sa kanyang social media accounts on her actual birthday last Wednesday (Jan. 6).
Sa sobrang katuwaan na makitang pumayat na si Mega sa kanyang post na half-body picture na nakasuot ng swimsuit sa kanyang IG a few days before her birthday, nag-comment ang netizens na gusto naman nilang makita ang buong katawan ni Sharon wearing a swimsuit.
Patola naman si Mega sa request ng mga netizens at very much in the mood na i-flaunt ang kanyang kaseksihan ngayon.
Nag-post si Mega ng piktyur niya habang nakadapa nang patagilid sa yate. Simple lang ang caption ni Mega sa kanyang birthday IG post, "55 tomorrow #sharon2021."
Inulan ng pagbati si Sharon mula sa kanyang pamilya, relatives, fans and celebrity friends sa kanyang social media accounts.
Pero ang agaw-atensiyon ay 'yung pag-post ng comment ng panganay niyang si KC Concepcion.
Say ni KC sa IG post ng kanyang Mega mom, "This is the Sharon I love! Omg!!! (heart emojis)."
Reply ni Sharon, "Hahaha! You better thank God you got my booty!"
May nag-comment na naman requesting na sabay mag-pose sa isang photo ang mag-ina na nakasuot ng bathing suit.
Agad in-acknowledge ni KC ang sinabi ni Sharon na namana niya ang kaseksihan ng kanyang ina.
"@reallysharoncuneta I got it from my momma! Aww soooo I missed this," reply-post ni KC.
Um-agree si Mega sa sinabi ni KC.
"Yes Toot from yo momma!!! You've been having a great time too, right? Lemme know when I see you again if the place is nice! Lookin' happy with company! Missing you there though!"
Ang tinutukoy ni Sharon na lugar kung saan KC is having a great time ay sa El Nido, Palawan.
And for the last time, nag-reply si KC sa comment ni Mega kung saan nag-promise siya na isasama niya si Sharon sa El Nido.
"Yesss I'll plan a trip for us!!! LOVE YOU!" sabi pa ni KC sa kanyang Mama Sharon.
Sa huli, sinagot din ni Sharon ng sweet na comment si KC.
"@itskcconcepcion Love you Cucai."
Kinilig ang ibang netizens sa naging tsikahan ng mag-ina sa Instagram. And hopefully, this will end all speculations na may malalim na hidwaan sina Sharon at KC.
Bukod kay KC, kinilig din ang mga fans and followers ni Mega nu'ng batiin siya ng dati niyang kalabtim na si Robin Padilla sa comment section ng IG post niya.
Hindi siguro nakatiis si Robin na 'di mabati o "magpapansin" sa kanyang one and only "Ma'm" sa birthday nito lalo na sa sexy photo ni Mega sa IG.
"@robinhoodpadilla Awww that was so nice of you to greet her. Hoping and praying for your movie this year," comment ng fan nina Sharon at Robin.
Naku, ha? Baka may magselos niyan.





Comments