top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mega-bonggang magregalo… SHARON, BINIGYAN NG MILYONES NA ALAHAS SINA VICE AT REGINE

  • BULGAR
  • Sep 18, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 18, 2021



Ang hilig sa mga jewelries ni KC Concepcion ay namana niya sa kanyang Mamita na si Elaine Cuneta (mom ni Sharon Cuneta). At dahil mahal na mahal ni Mommy Elaine si KC, marami siyang iniwan na alahas sa kanyang paboritong apo bago siya yumao.


Isa na nga rito ang mamahaling relo na ang halaga ay P6.5 M. Napapalibutan kasi ang wristwatch ng mga precious stones.


May collection na ng mga mamahaling jewelries si KC kaya naman luminya na siya sa negosyo ng alahas. Siya mismo ang nagde-design ng mga jewelries na kanyang ibinebenta. Nag-enroll pa nga siya ngayon sa kursong Gemology sa L.A. para lumawak ang kaalaman niya sa gems at jewelries.


Maging ang kanyang mom na si Sharon ay mahilig din sa jewelries at ginagawang investment ang mga ito dahil tumataas ang value. May mga showbiz friends din si Sharon na niregaluhan niya ng alahas tulad ni Vice Ganda na binigyan niya ng bracelet worth millions, ganu’n din si Regine Velasquez na isang pares ng hikaw na milyon ang halaga.


Ganoon daw kabongga kung magregalo ang mommy ni KC Concepcion.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page