top of page

Mega, 55-anyos na raw, pabebe pa… KARLA, BINIGYAN NG LAKAS NG LOOB SI SHARON NA IDISPLEY ANG KATAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 6, 2021




Malaki ang nabawas sa timbang ni Megastar Sharon Cuneta. Kaya naman, keri na niyang magpakuha ng picture na naka-bathing suit sa swimming pool.


Pinuri si Shawie ng kanyang mga Instagram followers.


Isang fan ang nagkomento ng “Vampira.”


Sagot ni Megastar, “Gusto ko nga gayahin dito ibang pose ni KC sa IG n'ya, eh, hahahaha!”


Sagot ng netizen, “Hala, mas hot ka pa kay KC, Mama. Ikaw original.”


Sey ni Shawie, “'Wag naman, baka magtampo si panganay.”


Pero binalikan naman niya ang unang komento na ‘vampira.’


Sey ni Sharon, “Sensiya na, inamin ko na naman na kamag-anakan namin sina Edward sa Twilight, eh. Mama ko, malamang, ito pa rin hitsura 'til now.”


Ang ilang netizens, 'di nagustuhan ang pose ni Sharon at todo-awat sa ginawa nito.


“My ghad, Mamshie, awat na. 'Di ko kinaya 'yung pabebe post ng second pic. Mapapatawad ko pa na medyo chubby pa rin, pero 'yung pabebe smile ng second pic, I cannot. Mamshie, hinay-hinay sa pagpapapayat dahil siguradong magsa-sag 'yung skin mo. Okay na medyo chubby ka, 'wag ka na lang mag-two-piece at magpa-pic nang sobrang zoom.”


Nagalit naman ang isang fan ni Mega dahil sa pamba-bash sa kanyang idol.


“That has been her smile for 42 years. Ano 'yun, magbabago siya for you? No way! Sino ka ba?”


“Actually, when you grow old, it's okay to gain 5 to 10 pounds. Parang nagpa-botox ka na rin.”


“If you don't get Sharon's humor, mao-offend ka talaga. I find her really funny. Go, Mega! You can still lose 20 lbs. more!”


“Nagdadalaga...”


Sinisi naman ng isang netizen ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.


“Hay, naku! Kasalanan ni Karla Estrada 'yan. Nagkalakas ng loob si Mega.”


“Sharon looks grade school in her 2nd pic. Well, undeniably, she got a very good skin. I just realized that billionaires have their own share of awkward/cheesy moments just like this lol..”


“WOW, at the age of 55, not bad, still hot and beautiful, baby-faced talaga si Mega!!!”


Pagtatanggol naman ng isang netizen kina Karla at Shawie.


“Ano naman ang hindi appropriate sa ginawa nina Karla Estrada at Sharon Cuneta? Ang sabihin n'yo, mga body shamers lang talaga kayo. Inappropriate kasi hindi kayo nase-sexy-han sa kanila at tingin n'yo, wala silang karapatan. Pero kung sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo 'yan, papalakpakan n'yo pa.”


'Yun na!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page