Meet and greet: Philippine Book Festival, tara na sa Mar.13!
- BULGAR

- Mar 11
- 1 min read
Updated: Mar 22
ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 11, 2025

Hello, Bulgarians! Tara na sa pinakamasayang book event ng taon – ang Philippine Book Festival, mula March 13 hanggang 16!
May meet and greet sa authors at creators, book launches at book signings, libreng art at writing workshops, bukod pa sa maraming discounted books!
Isama na ang buong pamilya at barkada para sa masayang book experience sa Megatrade hall, SM Megamall, Mandaluyong City mula 10 a.m. hanggang 8 p.m.
FREE entrance para sa lahat!
Ang Philippine Book Festival ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng National Book Development Board (NBDB), sa pangunguna ni Executive Director Charisse Aquino-Tugade, na naglalayong itaguyod ang book publishing industry sa bansa at palakasin ang kultura ng pagbabasa at authorship ng mga Pilipino.
Ang BULGAR ay isa sa mga opisyal na media partner ng Philippine Book Festival.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.








Comments