McDaniels ng Bolts, binigo ang pagbabalik ni Yap sa RoS
ni Clyde Mariano @Sports | January 23, 2023

Binigo ng Meralco Bolts ang pagbabalik ni ace gunner James Yap sa bench ng Rain or Shine at kinuryente ang Elasto Painters, 105-87, sa unang laro at palakasin ang kanilang title campaign sa PBA Governors Cup sa Philsports sa Pasig City kagabi.
Hindi makakalas ang Bolts sa first half at sinira ang 54-all behind 8-0 run sa pangunguna ni imports KJ McDaniels at muling nanguna sa mainit na opensiba umabante ang Meralco 81-68 sa ending ng third period at hindi binitawan sa kabila ng pag-aalburoto ng RoS sa crucial 4th period sa labanan ng dalawang champion coach na sina Norman Black at Yeng Guiao.
Sa panalo, binawian ng Bolts ang RoS na tumalo sa kanila sa Commissioner’s Cup na napanalunan ng Barangay Ginebra na tinalo ang guest team Bay Area Dragons 4-3 sa best-of-seven title series sa Philippine Arena. “Good start. Hope they sustain their game as the tournament progresses,” sabi ni coach Norman Black.
Umiskor si McDaniels ng 27 points at nag-ambag si Chris Banchero 17, Allein Maliksi ng 16, John Kier Quinto 11 at Chris Newsome ng 10 sa Bolts. Tinalo ni McDaniels ang kanyang counterpart si Michael Quall na tumipa 14 points sa RoS na pinangunahan ni Rey Mambatac at kumulekta ng 21 points.
Umiskor si Yap ng 7 straight points sa huling minuto sa 2nd period kasama ang dalawang points naitabla ng RoS ang iskor 54-all at halftime. Hindi naglaro si Yap sa Commissioner's Cup at nagbakasyon sa Italy kasama ang kanyang asawa.
Kong matatandaan tumipa si Michael Qualls ng 53 pointsat tinalo ng Ros ang Bolts sa tune-up game, 122-120 bago simulan ang Governors Cup. Pinilit humabol ang RoS at isalba ang laro. Subalit sadyang malakas ang Bolts.





Comments