MCCOY, TANGGAP NA MAGKAROON NG BAGONG DYOWA SI ELISSE

by Janiz Navida @Showbiz Special | October 11, 2026

Photo: McCoy De Leon at Elisse Joson - IG
And speaking of McCoy de Leon, nakatsikahan nga namin ito sa launching ng Kutis Reveal reality show ni Dr. Kei Rebolledo. Dumating ang guwapong aktor bilang suporta sa celeb dermatologist.
Kinumusta namin ang lagay ng puso ni McCoy dahil may kasabihang ‘pag masaya ang puso, nagre-reflect ‘yun sa aura.
Natawa si McCoy pero ang paliwanag sa amin, mula nang kunin siyang ambassador ng Kutis By Kei, mas naging maalaga na raw siya hindi lang sa kanyang kutis kundi maging sa kanyang katawan at kalusugan.
Na-realize raw niyang malaking tulong talaga bilang artista ‘yung maganda ang skin niya dahil puhunan nila ito.
Mula nang maghiwalay sila ni Elisse Joson, wala pa raw bagong pag-ibig si McCoy. Naka-focus daw siya sa pag-iipon para sa future ng kanilang anak na si Felize.
Maganda naman daw ang co-parenting nila ni Elisse at sinisikap niyang makapagbigay dito ng regular na sustento dahil ‘yun daw ang turo ng kanyang mommy. Tinitiyak daw ni McCoy na maging responsableng ama kay Felize kaya bukod sa sustentong pinansiyal, regular din daw niyang binibisita ang anak para makasama.
Sa tanong kung may chance bang magkabalikan sila ni Elisse for the 3rd time, ipinagpapasa-Diyos na lang ito ni McCoy. Ang priority daw niya ay ang happiness ni Felize.
At kung sakaling magkaroon na ng ibang partner si Elisse, as long as happy daw ito ay happy na rin siya.
‘Yun na!
Carlo, idinamay na rin…
CHARLIE, UMAMING MAY IPINAGAGAWA SA MUKHA KAYA GLASS SKIN
Charlie Dizon - IG
Mula sa pagiging successful physician-celebrity dermatologist at founder ng Kutis By Kei na dating sa Tiktok at Instagram lang napapanood, TV host na rin ngayon si Dr. Kei George Rebolledo. ‘Yan ay sa first skin-transformation reality series na Kutis Reveal na may 13 episodes at mapapanood sa Bilyonaryo Channel simula sa Sabado, Oktubre 17, at 10 AM.
Para kay Dr. Kei na dumaan din Charlie Dizon - IG sa dilemma ng pagkakaroon ng hindi kagandahang skin nu’ng kanyang kabataan, magandang platform ang Kutis Reveal na makakapagbigay-inspirasyon at pag-asa sa mga taong nadi-discriminate, nabu-bully at nawawalan ng self-confidence dahil sa kanilang malubhang skin problems tulad ng acne scars, melasma, psoriasis, scarring at pigmentation.
Kaya nga naisipan niyang mag-put up ng reality show na magpapakita sa iba’t ibang skin problems ng 12 Filipino hopefuls na kanilang napili na babaguhin nila ang buhay sa pamamagitan ng free treatment na ibibigay nila under Kutis By Kei Skin Clinic.
Nasa 100 hopefuls ang nag-audition para sa Kutis Reveal pero 12 lang ang masuwerteng napili na dadaan sa 5-month journey mula sa casting and medical consultations to treatment, healing at hanggang sa kanilang final transformation.
Ilan sa mga dermatological procedures na kanilang pagdaraanan ay ang LDM Elogio, Rejuran, Blaumann Laser, Sylfirm X and Juvelook administered through CurJet and Lenisna.
Siyempre, ang bawat treatment ay depende rin sa skin problem ng mga participants o hopefuls.
“We wanted to tell stories that people can relate to while showing that every person has a different journey,” sabi ni Dr. Kei.
Dagdag nito, “There’s no instant solution when it comes to skin. What really matters is consistency, trusting the process, and believing that change is possible.”
Kaya sa tulong daw ng mga sponsors ng show, nangangako naman si Dr. Kei na after ng first season ng Kutis Reveal, imo-monitor pa rin naman nila ang mga participants na tiyak na mababago ang buhay sa pagsali sa reality show.
Sa ngayon, dalawa pa lang ang celebrity endorsers ng Kutis by Kei, sina McCoy de Leon at Charlie Dizon, na umaming isinasama rin ang mister na si Carlo Aquino kapag may ipapagawa sa clinic ni Dr. Kei.
Gustung-gusto raw ni Charlie ‘yung nagga-glass skin siya sa procedure na ipinagagawa niya na tumatagal nang 3 months.
Bongga! Kaya naman pala para silang mga bampira ni Carlo Aquino, forever young! Hehe!
PUMIRMA na ng kontrata kahapon sa Viva Artists ang magkapatid na singers na sina Rannie at Lance Raymundo kasama ang aktres-singer ding si Chase Romero.
Co-manager ng Viva si Doc Mike Aragon, ang producer ng WPS series, founder ng KSMBPI (Kapisanan ng Social Media Brodkaster ng Pilipinas) at Media Affairs head ng Knights of Rizal all over the world.
Hindi nakahabol ang isa pang talent ni Doc Mike, ang beauty queen-singer na si Ali Forbes dahil nag-aaral pala ito ng Law ngayon, pero according to Doc Mike, anytime now ay pipirma na rin ito ng kontrata.
Maraming plano si Doc Mike sa apat niyang talents na balak niyang gawing singing group na magagamit niya sa kanyang mga advocacy projects para muling buhayin sa kabataan ang nasyonalismo o pagmamahal sa bayan at gayundin ang turo ni Dr. Jose Rizal na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Inisa-isa sa amin ni Doc Mike ang mga projects na naka-lineup niya para kina Rannie, Lance, Chase at Ali at kung paano niya maisasakatuparan at mailalapit sa kabataan ang adbokasiya niyang buhayin si Dr. Jose Rizal sa puso ng kabataan.
Exciting ang mga makabuluhang ideas ni Doc Mike for his 4 talents na for sure, idi-discuss niya sa presscon pagbalik ni Boss Vic Del Rosario mula sa Busan.
Yes, ganyan nga siya!
BYUTING AKTRES, AYAW TUMANGGAP NG CHAKA, GUSTO, MAGANDA LAHAT ANG STAFF
BLIND ITEM:
Bukod sa showbiz, pinasok na rin ng isang magandang aktres ang pagnenegosyo. Segurista ito sa buhay na tama lang naman dahil hindi naman talaga forever ang kanilang kasikatan.
Ang siste, chika ng aming source, masyado palang partikular sa “hitsura” ng kanyang mga empleyado ang magandang aktres. Gusto raw niya, lahat ng mga staff niya ay magaganda tulad niya, bawal ang chaka!
So, kahit pa talented at smart, kung walang “pleasing personality”, eh, sorry na lang, hindi papasa sa standard ng magandang aktres.
Yes, ganern! So, kailangan, mala-diyosa ang ganda!!!
Gets n’yo ba ‘yan?!






Comments