top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mayorya ng populasyon sa M. Mla, bakunado na… sana all!

BULGAR
Sep 25, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | September 25, 2021


Maligayang Pasko ngayong 2021.


Ito ang opinyon ni Presidential spokesperson Harry Roque dahil 80% na ng populasyon sa National Capital Region (NCR) ang bakunado na kontra COVID-19.


Dahil mayorya na ng populasyon sa Metro Manila ang bakunado, maaari umanong unti-unti nang makababalik sa dating pamumuhay ang mga Pilipino at kasabay nito, sinabi ng tagapagsalita na ipinauubaya na ng Palasyo sa Department of Health (DOH) ang pagpapasya kung luluwagan na ang quarantine classification ngayong bumababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.


Kung tutuusin, good news ito para sa mga taga-Metro Manila dahil ibig sabihin ay marami nang may proteksiyon laban sa virus, pero dapat pa ring maging pursigido ang pamahalaan at taumbayan na magpabakuna.


‘Ika nga, hindi pa rin tayo dapat makampante dahil nariyan pa rin ang virus. Kumbaga, dapat ipagpatuloy ang pag-iingat.


Gayunman, hangad din nating magkaroon ng malaking progreso ang vaccination program sa iba pang panig ng bansa, partikular sa mga lalawigan.


Nauunawaan nating sentro ng ekonomiya ang NCR, pero ‘wag nating kalimutan ang iba pa nating kababayang malayo sa kabihasnan.


Matatandaang hanggang ngayon ay pahirapan ang suplay ng bakuna sa mga probinsiya sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng bagong COVID-19 cases sa ilang lugar.


Siguro, mas magiging masaya ang Pasko sa taong ito kung mas maraming magiging bakunado. Ibig sabihin kasi nito, mas maraming protektado at ligtas laban sa malalang epekto ng virus.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page