Mayor Sara, malabong kumandidato bilang pangulo, hmmm…
ni Ka Ambo - @Bistado | December 13, 2020
May badyet para sa vaccine.
Pero, walang pondo!
◘◘◘
ANO ba ang ibig sabihin ng badyet?
Simple lang, listahan ng mga bibilhin o pagkakagastusan.
Hindi ito nangangahulugang may aktuwal na salapi o aktuwal na pondo!
◘◘◘
HABANG ginagawa ang badyet, inililista rin kung saan magmumula ang salapi o pondo na gagamitin.
Sa gobyerno, kasama sa listahan kung saan-saang mangungutang, kung saan kokolekta ng buwis at kung aling ari-arian ang isusubasta.
Future tense—ang paghahanap ng pondo, hindi ito present tense o past tense—na “mayroong nakareserbang pondo”!
◘◘◘
ISANG mapait na katotohanan ay may badyet sa bakuna—pero walang aktuwal na pondo ang gobyerno.
Kahit dumating ang bakuna ngayon, saan kukuha ng pambayad ang gobyerno?
◘◘◘
ANUMANG oras ay magsisimula nang magkaroon ng “mass vaccination” sa U.S.
Ang ‘Pinas, tatanghod muna!
◘◘◘
NAG-DELIVER na ang Pfizer ng bultu-bultong bakuna sa Canada at Britain.
Sa Pilipinas, nagpopropaganda pa lang ang gobyerno.
Ang mga Pinoy, pinagdarasal lang muna!
◘◘◘
KAKAUNTI na ang namamatay sa COVID.
Mas marami ang namamatay sa stress kasama na ang suicide at “accidental firing”!
◘◘◘
LUMALAYAS na ang mga investors mula sa Pilipinas.
Hindi malinaw kung saan kukuha ng pambayad ang bansa sa trilyun-trilyong utang sa mga susunod na taon!
◘◘◘
KAAWA-AWA ang papalit kay P-Digong sa 2022.
Magiging tagabayad lang ng utang!
◘◘◘
MALABONG kumandidato si Mayor Sara bilang pangulo.
Tulad ni Dolphy, matatakot siya kapag siya ay nanalo: Saan siya kukuha ng pambayad na inutang ng kanyang tatay?





Comments