top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mayor Sara, lagot sa mga loyalists kapag kinampihan si Isko

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 17, 2022



KAPAG SUMANG-AYON SI MAYOR SARA SA ISKO-SARA TANDEM, TIYAK NA ILALAGLAG SIYA NG MGA MARCOS LOYALISTS--Tinabla ni vice-presidential candidate Mayor Sara Duterte ang isinusulong na tandem nila ni presidential candidate Mayor Isko Moreno sa Mindanao dahil ayon sa presidential daughter, si BBM ang kursunada niyang katandem at hindi si Yorme.


Siyempre, tatabalahin talaga ni Mayor Sara ang Isko-Sara tandem kasi sa oras na sumang-ayon siya riyan ay laglag ang aabutin niya sa mga loyalista ng Pamilya Marcos, period!


◘◘◘


PARA HINDI NABA-BASH, DAPAT LUBAYAN NA NI GOV. REMULLA ANG PAGPAPA-SURVEY--Hanggang ngayon ay pinuputakti ng batikos si Cavite Gov. Jonvic Remulla sa ginawa niyang pag-delete sa pa-survey sa social media, kung saan nag-top si Vice-Pres. Leni Robredo, at pinalitan niya ito ng pa-survey sa Cavite, kung saan si former Sen. Bongbong Marcos naman ang nag-top.


Panawagan natin kay Gov. Remulla na tigilan na niya ang pagpapa-survey kung hindi rin lang niya kayang panindigan para hindi siya naba-bash ng mga netizens, period!


◘◘◘


HUWAG MAGBANGAYAN SA SURVEY KASI SURVEY LANG 'YAN--May mga lumalabas na survey, kung saan top si VP Leni, top si Marcos at top si Yorme Isko at dahil d'yan ay nag-aaway-away sa social media ang mga netizens.


Sa totoo lang, hindi dapat nagbabangayan sa social media ang mga netizens nang dahil lang sa mga resulta ng survey kasi survey lang 'yan.


Mas mainam na gawin ng mga supporters ay pagbutihin ang pangangampanya para sa kanilang manok sa eleksiyon kasi pagkatapos ng halalan sa May 9, 2022, kung sino ang mas maraming makukuhang boto sa aktuwal na bilangan ng boto ay 'yun ang idideklarang bagong pangulo ng Pilipinas, at hindi 'yung mga nagta-top sa survey, boom!


◘◘◘


HINDI PA NANAY SI MOCHA KAYA DAPAT I-REJECT SIYA NG COMELEC--Pinutakti rin ng batikos ang Comelec dahil sa pag-aprub nila na makalahok sa halalan ang MOCHA (Mother for Change) partylist ni former OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Deputy Director Mocha Uson.


Ayon sa mga netizens, hindi dapat binigyan ng akreditasyon ng Comelec ang MOCHA partylist para makalahok sa halalan kasi ang Mother for Change o MOCHA partylist ay pang-nanay na partylist, eh, hindi pa naman nanay si Mocha kaya dapat kanselahin na ng Comelec ang akreditasyon ng partylist na ito, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page