top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mayaman sana ang ‘Pinas, kung walang kurakot na mga opisyal

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 24, 2021



SA DAMI NG BAD NEWS, MAY HIMALA KAPAG TUMAAS ANG RATING NI P-DIGONG—Ang daming bad news na nagtaasan — bilang ng COVID-19 cases kada araw, bilang ng mga natetepok, singil sa tubig at kuryente, pati presyo ng bigas, presyo ng baboy at iba pang bilihin at siyempre maging ang presyo ng langis.


Grabe, lahat na lang talaga ang tumataas, pero kapag pati ang rating ni P-Duterte ay tumaas, aba’y himala ‘yan, boom!


◘◘◘


MAS PINAHAHALAGAHAN PA NI P-DUTERTE ANG DAMDAMIN NG MGA KORUP KAYSA SA DAMDAMIN NG MGA PINOY NA NABIBIKTIMA NG MGA KURAKOT—Sabi ni P-Duterte, hindi niya kini-criticize ang Commission on Audit (COA), kundi nais lang niyang iparating na nasasaktan ang damdamin ng mga gov’t. officials na nakikuwestiyon o pina-flag ng COA sa maling paggamit o paggasta sa pera ng bayan.


Imbes na utusan ni P-Duterte ang Ombudsman na imbestigahan ang mga tanggapan ng pamahalaang na-flag ng COA ay kinakampihan pa ang mga kurakot.


Ang dapat pahalagahan ni P-Duterte ay damdamin ng mamamayan at hindi ang damdamin ng mga “buwaya” sa pamahalaan, buwisit!


◘◘◘


KUNG NAGAGAMIT SA TAMA ANG PERA NG BAYAN, WALANG KUWESTIYON D’YAN ANG COA—Ayon kay Vice-Pres. Leni Robredo, hindi dapat masamain ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagkuwestiyon ng COA sa pera ng bayan na nasa kanilang tanggapan, dahil mandato talaga ng COA na bantayan at suriin ang kaban ng bayan na nasa mga tanggapan ng pamahalaan.


Korek kasi kung tama ang paggamit ng mga gov’t. official sa kaban ng bayan, nagastos ng tama, walang overprice, hindi isinubi o in-stock ang pondo, napakinabangan ng mamamayan ang pera ng bayan, tiyak na walang kuwestiyon ang COA, at bibigyan pa sila ng COA ng “highest audit rating”, tulad ng iminamarka sa Office of the President (OVP), period!


◘◘◘


MAYAMAN ANG PILIPINAS, SADYANG MARAMI LANG KURAKOT—Sa totoo lang, sa dami ng natural resources ay maitururing na mayamang bansa ang Pilipinas at hindi sana nakararanas ng labis na hirap ang mamamayan.


Eh, kaya lang naman itinuturing ng mundo na mahirap ang Pilipinas kasi ang daming korup, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page