May twang pa… NADINE, MALA-INTERNATIONAL ACTRESS SA PAGIGING INGLESERA
- BULGAR

- Dec 28, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 28, 2024
Photo: Nadine Lustre sa Uninvited - Instagram SS
Isa sa the best movies na ginawa ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Uninvited under Mentorque Productions and Project 8 Projects Films.
Ibang atake ang ipinakita ni Ate Vi sa Uninvited na masasabing sa kanya talaga ang pelikula. Though revengeful movie ito, kalmado lang ang acting niya, walang hysterical moves na madalas na mapanood sa kanyang mga movies.
Uninvited ang title dahil “gatecrasher” ang Star for All Seasons sa birthday celebration ni Aga Muhlach bilang si Guilly. Si Aga ang puno’t dulo ng paghihiganti ni Ate Vi dahil sa brutal na pagkamatay ng kanyang anak na si Gabby Padilla sa karakter na Lily.
Mahusay si Aga sa karakter na Guilly na siyang naging dahilan kung bakit namatay si Lily. Napakalaki ng bahay ni Aga at napakaraming bisita, kaya hindi gaanong pansin ang paggala-gala ni Lilia/Eva (Ate Vi) sa loob ng malaking bahay. May makapansin man sa kanya, ang husay niyang gumawa ng alibi.
Inisa-isa ni Ate Vi ang mga tumatayong galamay ni Aga. Hanggang magkrus ang landas nila ni Nicole (Nadine Lustre). Hindi nagpatalbog kina Aga at Ate Vi si Nadine sa acting. Bumilib kami sa kanya dahil tila siya isang international actress sa kanyang pagka-inglesera. Ang galing ng kanyang pronunciation—malinaw at walang buckle habang nagsasalita. Ang twang niya, grabe! Aakalain mong sa Amerika siya naninirahan bago nag-artista.
Komento ng marami sa ending ng Uninvited, para umano itong Tagos Ng Dugo (TND), ang pelikula noon ni Ate Vi na idinirehe ng yumaong direktor na si Maryo J. Delos Reyes.
Gustung-gusto namin ang linya ni Aga kay RK Bagatsing, “Kaya ka pala hindi ka nakikisawsaw sa mga kasamahan mo, eh, sinasawsawan mo ang asawa ko (Mylene Dizon).”
May linya pa siya kay Ate Vi, “Birthday na birthday ko, dito ka pa nagkakalat. Ginugulo mo ang birthday ko.”
After ng premiere, nagtalu-talo na sa kani-kanilang opinyon ang press people. Sigurado raw na magiging mahigpit ang laban ni Ate Vi sa Best Actress category sa Gabi ng Parangal ng MMFF, at maging si Aga para sa Best Actor. Si Nadine, sure na raw na pasok sa Best Supporting Actress nomination.
MAY post si KC Concepcion sa kanyang Instagram (IG) na Christmas wish para sa inang si Sharon Cuneta.
Ani KC, “Christmas has always been about love, laughter, and time with family for me, ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and special.
“For this year’s Christmas season, I’m taking my quiet space to play, reflect, recharge, reset, and look forward to the blessings I know God has in store for me (and my family!). I know, nand’yan lang si God para sa amin, and magiging okay ang lahat, especially between my Mama and me.
Grateful for the love and joy I have in my life every day. From my little pack to yours, I hope your holidays are filled with warmth, laughter, endless cuddles, and love. Cheers to a fresh start for the New Year ahead. God bless us all!”
Komento ng mga netizens:
“Mahilig siyang sabihin ‘yung mga plans niya, eme here and there. Accla, just do it!”
“Also, for 40 yrs. old, medyo umayos ka naman ng pananamit, ‘teh. Ba’t may paganyan?”
Pagtatanggol naman ng kanyang mga fans:
“Wala kang paki kung ano’ng gusto n’yang isuot. Pakialaman mo ang sarili mo at buhay mo, auntie.”
“At least s’ya, productive. Hindi naman niya inisa-isa ang mga ganap niya. Mema ka lang talaga. Next week, 2025 na. Tama na ang hate sa katawan.”
“At least, may mga plano s’ya at nagagawa naman n’ya. Eh, ikaw, ano na-accomplish mo? Maging troll? At ano naman kung 40 na s’ya?”
“Troll ka na, ageist ka pa. How sad.”
“‘Teh, mas umayos ka sa pagiging judgmental mo. Saang kuweba ka ba lumaki? 2025 na para pakialaman mo ang bihis ng mga YouTuber/artista. You deserve what you got. Bakit mapait buhay mo? Because you attract negativity.”
“Hindi naman malaswa ‘yung photo.”
“Judger spotted. Get a life. Anyone can wear whatever at any age!”
“Mayaman lang ‘yan si KC, pero may ka-jeje-han (jejemon) kaya pansin mo, wala masyadong alta (high class) friends.”
“As if naman napakaimportante magka-alta friends. Just be yourself. Be you—the authentic you—not to have alta friends but to do that for yourself. At least si KC walang pretensions and looks genuinely happy. Alta friends ka d’yan.”
“O, ‘yan na, ha! Kay KC na nanggaling na her mom makes the holidays magical and extra special! Mom ang gumagawa ng action for peace!”
“Ganyan naman talaga. ‘Yan nga, she posts like everything is okay and downplays whatever’s going on. The mother, meanwhile…”










Comments