May third party daw… JULIA AT GERALD, KANI-KANYA NA
- BULGAR

- Aug 27
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 27, 2025

Photo:Julia at Gerald / IG
Nagb igay ng komento si Ogie Diaz sa nabalitang hiwalayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Isa sa mga napansin umano ng mga netizens ay ang mga posts kung saan hindi nakikitang magkasama ang dalawa.
Nakarating kay Ogie na tila cool off daw ang dalawa sa kanilang relasyon. Ang dahilan ay may third party umanong involved.
“Ha! Totoo ba ‘yan? Nag-cool-off daw ‘yung dalawa,” ani Ogie sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update (SU) channel.
Dagdag pa niya, nasabi raw ng kanyang source na, “Tanong mo na lang, Ogie, kung cool-off sila. May third party daw.”
Bagama’t hindi pa kumpirmado ang balita, umamin si Ogie na may mga impormasyong nakarating sa kanya tungkol sa posibleng pagkakaroon ng third party.
Aniya, “Ang nakarating sa atin, iba-iba, ‘di ko alam kung tama ‘yung dinig ko o ibang-iba. Pero mas maganda na sila ang sumagot n’yan, hindi tayo. ‘Yun lang naman ang nabalitaan natin.”
Sa kabila ng isyung ito, sinabi ni Ogie na mahal pa rin daw ni Julia si Gerald.
Sey niya, “Sana nga, sila pa rin. Kung cool-off man, siguro break muna ngayon. Parang kami pa rin pero space muna. Pero ang nakarating sa atin, mahal na mahal ni Julia si Gerald, despite the issue.”
Nilinaw naman ni Ogie na hindi pa ito kumpirmado, “Hindi po ‘yan kumpirmado, ha, nabalita lang ‘yan sa akin.”
Dagdag pa niya, base umano sa kanyang source, tila naghihintay lamang si Julia ng tamang panahon para maayos ang relasyon.
Pagbubulgar niya, “Pero sabi nga ng source ko, parang naghihintay lang ng sign si Julia. Kasi ‘pag sila na ulit, kailangan, kasal na. Kaya kung mapapansin natin, ang sipag-sipag magtrabaho ngayon ni Julia. Nag-iipon na raw si Julia kasi gusto na n’ya mag-settle down.”
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Gerald Anderson at Julia Barretto hinggil sa isyu.
INALALA ni Carla Abellana nu’ng time na nag-shoot siya sa Discaya Building. May isyu kasi ngayon sa mag-asawang Discaya, kung saan lahat ng kanilang kayamanan ay ipinakita sa mga online platforms.
Halos isang taon na ang nakalilipas nang makapanayam ni Julius Babao para sa kanyang YouTube (YT) Channel ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Mula sa basahan hanggang sa kayamanan, nakabili sila ng maraming mamahaling sasakyan, na nagdulot ng tanong kung paano nila ito nakayang bilhin. Kasama sa kanilang luxury car collection ang isang asul na Bentley, Mercedes-Maybach GLS, at Rolls Royce Cullinan. Binili nila ang Rolls Royce SUV dahil lang may espesyal itong compartment para sa isang payong. Paano sila naging ganito kayaman?
Ayon sa kanila, ang kanilang gateway sa yaman ay noong sila ay naging contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada noong Lunes na gusto niyang pangalanan ni Sarah ang kanyang mga contact sa DPWH.
Anyway, balik tayo kay Carla, matapos makita ng Kapuso actress ang gusali ng mga Discaya, naalala niya ang shooting sa parehong lugar. Wala siyang sinabing kontrobersiyal, ngunit iniwan ang nakakaintrigang pahayag na ito sa isang post
sa social media:
Aniya, “Ah, sa kanila pala lahat ‘yun! Nag-taping na kami sa building na ‘yan sa Pasig! And I was like, ‘Parang alam ko na kung ano ang business ng may-ari nitong mga ‘to.’”
Kabilang si Discaya sa mga indibidwal na ipinatawag para humarap sa imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng multi-bilyong halaga.
Ang asawa ni Sarah ay nagmamay-ari ng St. Gerrard Construction General Contractor Development Corp. na nakabase sa Pasig at siya rin ang nakalista bilang presidente ng Alpha at Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corp.








Comments