top of page

May team building kuno, huli ni misis sa motel.. Call center agent at kabit na katrabaho, kulong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2023
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 2, 2023




Sa kulungan bumagsak ang isang 27-anyos na call center agent kasama ang edad 22 na umano'y kalaguyo nito matapos mabisto ni misis sa loob ng isang motel sa Cebu City.


Batay sa pahayag ng ginang sa Cebu City Police, nagpaalam ang kanyang mister na mayroon umanong team building ang kanilang kumpanya. Nagduda umano si misis sa ikinikilos ng asawa kaya nilagyan nito ng GPS o global positioning system ang motorsiklo nito.


Nag-post pa umano ang call center agent sa social media tungkol sa kanilang team building.


Dahil sa GPS, na-monitor ni misis na nasa isang motel ang kanyang asawa kaya nagpasama ito sa pulis para puntahan ang asawa at dito naaktuhan na may kasamang babae.


Ang 22-anyos na kalaguyo ay kaopisina ni mister at isa ring call center agent.


Humihimas na ngayon ng rehas ang magkalaguyo sa Abellana Police Station sa Cebu City habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page