top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

May sugat sa dibdib... Babaeng nursing student, natagpuang patay sa bakanteng lote

Writer: BULGAR
BULGAR
23 minutes ago
1 min read

ni Levi Gonzales @News | November 9, 2026



May sugat sa dibdib... Babaeng nursing student, natagpuang patay sa bakanteng lote

Photo: File / Rep



Isang 20-anyos na babaeng nursing student ang natagpuang patay sa bakanteng lote sa madilim na bahagi ng kalsada sa Brgy. Sapul, Calapan City, Oriental Mindoro, madaling-araw ng Sabado, Nobyembre 7.


Natagpuan ang biktima ala-1:15 ng madaling-araw na may sugat sa dibdib at nakababa ang pang-ibabang kasuotan, dahilan upang imbestigahan din ang posibilidad na dumanas ito ng seksuwal na pang-aabuso.


Gayunman, hinihintay pa ng pulisya ang pinal na resulta ng forensic examination.

Ang biktima ay residente ng Brgy. Labonan sa Bongabong, Oriental Mindoro at third-year nursing student sa St. Anthony College.


Kinondena ng paaralan ang pagpatay at nanawagan ng hustisya para sa estudyante.

Samantala, nag-alok si Bongabong Mayor Mike Malaluan ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong hahantong sa pagkakaaresto ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page