Pekeng dentista, huli sa akto, kulong

ni Mai Ancheta @News | November 9, 2026

Photo: PNP-PRO13
Himas-rehas ang isang 36-anyos na babae matapos mahuli sa entrapment operations dahil sa pagpapanggap na dentista.
Inaresto ang suspek na si alyas Lily sa kanyang tahanan sa Brgy. San Isidro, Santiago, Agusan del Norte ng mga operatiba ng Police Regional Office 13 kasama ang mga kinatawan ng Philippine Dental Association (PDA) Agusan del Norte Chapter.
Isa sa mga operatiba ang nagpanggap umanong pasyente na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.
Nasamsam ng mga otoridad sa bahay ng suspek ang dental equipment at supplies kabilang na ang dalawang dental laboratory motors, mga artificial na ngipin at iba pang gamit pang-dentista.
Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 na nagpapataw ng kaparusahan sa hindi awtorisadong pag-practice bilang dentista.





Comments