Kelot, kulong sa pangmamanyak sa menor-de-edad

ni Maeng Santos @News | November 9, 2026

Photo: File
Isinelda ang 32-anyos na tambay na wanted sa pangmamanyak sa menor-de-edad na biktima sa Marikina City nang mabistong nagtatago sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Isinagawa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang pagdakip kay alyas Mando bandang alas-8 ng gabi nang inguso ng impormante ang kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. 77, Camarin.
Hindi na nakapalag ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga operatiba ang warrant of arrest na inilabas ng Marikina City Regional Trial Court Branch 168 para sa kinakaharap niyang kasong Statutory Acts of Lasciviousness na may katapat na piyansang P180,000.
Pinuri naman ni NCRPO Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano ang mabilis na aksyon ng NPD sa pagdakip sa akusado na pansamantalng nakapiit sa Custodial Facility ng NPD.





Comments