top of page

May stage 3 cancer… BOOBS NI DRA. BELO, TINANGGALAN NG 3 BUKOL KAYA ‘DI NA PANTAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2025
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 7, 2025



Photo: Dra. Vicki Belo - Instagram


Sinagot ni Dra. Vicki Belo nang may nakapunang hindi pantay ang kanyang dibdib.  


Ini-screenshot ng celebrity doctor ang unsolicited remark ng commenter.  

“Please be kind na lang,” ang emotional na sabi ni Dra. Vicki sa nagkomento.  

“I thought I’d address it because baka you think my breasts were done in Belo and it’s uneven. That’s so not true,” panimula ng doktora.  


Ikinuwento niya na nakipaglaban siya sa kanyang breast cancer noong 2016 kung saan nasa Stage 3 na raw ito.


“If you recall, I had breast cancer 9 years ago, and my tumor was actually 5 cm by 7 cm big on my left breast. They took out the tumor.”  


Sa US daw siya nagpagamot.  


“They put something in and I don’t even know what it is. I asked my doctor, he told me it’s tissue but it’s not silicone. It’s something much harder,” patuloy niya.  


Ayon pa kay Dra. Belo, 3 lymph nodes ang tinanggal sa kanyang underarm, kaya malalim nang bahagya ang isang side. 


Naging emosyonal naman siya habang nakikiusap sa publiko na maging mabait sa pagko-comment tungkol sa kanyang katawan.  


“Please be kind na lang. You know, I’m a cancer survivor. I was a bit depressed in the beginning but I didn’t let it affect my life.


“I love clothes, I love sleeveless clothes, iiyak na ako, so I still wear them.”  

“Anyway, I hope you understand,” wika pa ng wife ni Dr. Hayden Kho.  



VIRAL ang pag-come out ni Klarisse de Guzman sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ng kanyang tunay na identity.  


Inamin niya sa kanyang mga co-housemates na siya ay bisexual.  


Ibinahagi niyang may karelasyon na siya nang 4 na taon, si Trina.  


Nakuhanan ng pahayag si Trina.  


Aniya sa ABS-CBN News, “Super proud nu’ng last night nu’ng napanood ko. I can’t help, naiyak po talaga ako. Finally, ‘yung freedom, naibigay na kay Klang po after how many years.”  


Ayon kay Trina, hindi nila pinlano ang pag-amin ng singer.  


Aniya, “We talked about it po bago s’ya umalis pero hindi po clear kung mag-a-out siya totally. Kasi for me naman po, okey na po ako na tago kami kasi okey naman na po sa family namin, kasi sila naman po ‘yung number one na magsu-support sa amin, eh.”  


Wala raw nakakaalam sa relasyon nila ni Klarisse, maging ang mga kasamahan nito sa ASAP kundi ang ilang mga kaibigan nilang sina Bugoy Drilon, Liezel Garcia at kanilang mga pamilya.  


Aniya, “Siguro hirap na rin po siya at hirap na ring magtago. Kasi binabanggit niya sa akin na ‘pag tinatanong siya, hindi na niya alam kung ano ang isasagot. Idinadaan na lang niya sa jokes.”  


Nang pumasok daw si Michelle Dee as a guest sa PBB house ay naramdaman na niyang may mangyayari.  


Sey ni Trina, “Nu’ng time na pumasok si Michelle Dee, I knew it already. Kasi I saw Michelle joined Miss Universe, so I know advocate s’ya ng LGBT din before.”  


Paano ba sila nag-meet ng singer?  


Kuwento niya, nag-meet sila via Instagram (IG). Twenty-two years old daw siya noon at 28 naman si Klarisse.  


Ang singer daw ang unang nag-message sa kanya ng fire emoji na naka-direct sa kanya.  

Na-surprise raw siya, pero sumagot siya, “Shookt. Is this real?”


Kilala raw niya kung sino si Klarisse, “Kasi ‘yung family ko po sa dad side ko po sa UAE, so they’re always watching TFC. So, tutok po sila sa Kapamilya.  


“Nag-meet kami after a few months, kasi mahigpit po noon (during the pandemic lockdown).”  


After ng ilang months nilang nagkikita, they became an official couple. But Trina said the road to where they are now wasn’t smooth.  


“I can say na-test din po talaga kung paano kami as a partner. Kasi it wasn’t easy. We go out normal, we don’t do super close sa labas. I’m happy kasi more on growth na ‘yung gusto namin. Plans, business things,” lahad niya.  


Kung naibulgar man daw ang kanilang relasyon sa publiko ay hindi na raw niya iyon inaalala.  


What mattered most to both of them was the acceptance and support from their family.  


“Iba po kasi ‘yung family, parang mas buo ‘yung pagkatao ko rin nu’ng naging malaya si Klang.


“Iba po ‘yung feeling. Kasi kung hindi ka tanggap ng ibang tao, pero ‘yung mga tao sa paligid mo, tanggap ka, ‘di ka matatakot. Hindi ka matatakot na mag-express ng totoo mong nararamdaman,” dagdag pa niya.  


Nakasuporta naman ang ina ng singer sa relasyon nila ni Trina. Katunayan, ang tawag niya rito ay manugang at si Trina raw ang karamay nila nang mamatay ang kanyang mister.  



IPINOST ni Andrea Brillantes ang kanyang OOTD nang um-attend ng ABS-CBN Ball 2025 na ginanap sa Solaire North last April 4.  


Simple suit, pero napakaelegante ng aktres sa kanyang suot.  

Aniya sa caption, “I be on my suit and tie.”


Pinasalamatan din ni Andrea si Heart Evangelista dahil sa pagpapahiram nito ng mamahaling kuwintas na nagkakahalaga ng P10 M lang  naman.  


Ang sagot ni Heart kay Blythe, “Anytime.”


Dahil dito ay pinuri ng mga fans ni Andrea ang Kapuso actress.  


Anila, “Wow! Bait naman ni Mrs. Heart.”  


Patutsada naman para kay Heart ang komento ng netizen, “@iamhearte ganitong katawan kay Andrea ang tunay na sexy at masarap sa mata na katawan, hindi buto’t balat na malnourished.”


Sinaway naman siya ng isang commenter, “Bawal po ang bully dito.”  


“Teh, bawal mga inggit dito. Du’n ka sa idol mo.”


“Thank you @iamhearte grabe sobrang mahal ng necklace na ‘yun.”  


“Thank you po you’re the best! Hot naman ng Andrea Brillantes.” 


“Wow, lakas maka-CEO ni Blythe. A TRULY LADY BOSS.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page