top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

May sked na raw… AWRA, ITINULOY ANG RETOKE SA ILONG KAHIT MAY CANCER ANG MADIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 9, 2026



TALKIES - AWRA, ITINULOY ANG RETOKE SA ILONG KAHIT MAY CANCER ANG MADIR-IG _awrabriguela

Photo: IG _awrabriguela



Nagbahagi ang aktres at social media personality na si Awra Briguela ng pinakabagong update tungkol sa kalagayan ng kanyang ina, na na-diagnose ng stage 2 breast cancer.


Sa kanyang pagbisita kamakailan sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), napag-usapan ang isyu tungkol sa kanyang rhinoplasty at ang halos magkasabay na paglabas ng balita tungkol sa kondisyon ng kanyang ina.


Tinanong siya ni Boy Abunda, “Halos kasabayan ng pagpapaayos mo ng iyong ilong ay nakuha mo ang balita na may stage 2 breast cancer ang iyong ina?”


Ipinaliwanag ni Awra na naging tampulan siya ng intriga dahil sa timing ng kanyang operasyon.


“Actually, Tito Boy, kahit ‘yun po, iniintriga ako ng mga tao. May mga nagsasabi na isinabay ko pa talaga,” ani Awra.


Nilinaw naman ni Awra na matagal na nilang inaasikaso ang pagpapasuri sa kanyang ina bago pa man ang kanyang rhinoplasty.


Ani Awra, “February pa lang po, may iniinda na ang mama ko. Noon pa lang, sinasabi ko na sa kanya na magpa-checkup s’ya. Bago pa ako magpa-schedule ng rhinoplasty, nagpapa-laboratory tests na rin ang mother ko at nagpapa-checkup na s’ya para malaman kung ano ang bukol sa kanyang breast.”


Aniya, hindi niya sinadya na magkasabay ang kanyang operasyon at ang paglabas ng resulta ng pagsusuri sa kanyang ina.


“‘Di ko po talaga sinadya na magkataon kung ano ang magiging resulta ng test. S’yempre, mas uunahin ko naman ang mother ko kaysa sa sarili ko. Nagkataon lang na nakalatag na ang schedule ko dahil magpapasukan na rin sa school at kailangan ko ng isang buwang recovery,” dagdag pa ni Awra.


Ibinahagi rin ni Awra na bagama’t alam nilang mataas ang posibilidad na cancer ang bukol, patuloy silang nanalangin na hindi iyon ang maging diagnosis.


Aniya, “Ipinagdarasal ko talaga, kasama ang mga kapatid ko, na sana, ‘di cancer ang bukol sa breast n’ya pero mataas talaga ang chance. Kaya kahit medyo inihanda ko na ang sarili ko sa posibleng balita, masakit pa rin nang marinig na kumpirmadong may cancer ang mama ko, lalo na sa sitwasyon ko nu’ng mga panahong ‘yun.”


Sa panayam, tinanong ni Boy Abunda si Awra tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang ina.


Ayon kay Awra, patuloy pa ring ginagamot ang kanyang ina.

Aniya, “S’yempre, ‘di ko naman po puwedeng sabihing okay na po s’ya ngayon. Pero alam na po namin kung ano’ng stage ng cancer n’ya. Nakapag-start na rin po s’ya ng chemotherapy last week po. Ngayon po, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang checkup at mga laboratory tests.”

Tinanong din ni Boy kung siya ba ang sumusuporta sa kanyang ina sa aspetong pinansiyal.


Agad naman itong kinumpirma ni Awra.


“Yes po, Tito Boy. Kahit nu’ng nagtatrabaho pa s’ya sa ibang bansa, ako na po ang sumusuporta sa side ng mother ko, lalo na sa lola ko. Ako po ang nagbibigay ng pambayad sa renta, kuryente. Lalo na po ngayon sa nangyayari sa mama ko, ako na po ang sumasagot sa lahat ng kanilang pangangailangan,” ani Awra.


Good job, Awra. Wishing your mother a speedy recovery. Stay strong, and may she continue to heal with God’s guidance and strength.





NAGKAROON ng ‘starstruck’ moment ang aktres-comedian na si Donita Nose nang makilala nang personal ang fashion icon-aktres na si Heart Evangelista.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Donita ang larawan nila ni Heart at inamin na matagal na niya itong hinahangaan.

Ayon kay Donita, “Can't explain my feelings. Super-star struck na naman ako. Iba talaga s’ya, Diyos ko! Ang liit ng fez (face), ang sosyal ng ganda. Super-happy ako na na-meet ko na s’ya. I love Ms. Heart Evangelista super.”

Well, korek ka d’yan, Donita! Super ganda at tunay na sosyal talaga ang dating ni Heart.


CUTENESS overload! Ibinahagi ng singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang throwback photos sa social media, na agad kinagiliwan ng kanyang mga tagahanga.

Nagbalik-tanaw si Angeline sa kanyang kabataan sa Sampaloc bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-15 anibersaryo sa music industry.

Sa kanyang post, ibinahagi niya ang kanyang taos-pusong mensahe.

Ani Angeline, “Angie! ‘Yan ang batang ako. Sa simpleng mga larawang ‘to ay may masaya at malalim na kuwento. Samahan n’yo ako sa ISANG PANGARAP na muli ninyong tinupad. 

“Sa August 22 na ang AQUINSE sa Araneta Coliseum. Aasahan kayo ni Angie. Ako ‘yan! Angie ang pangalan ko sa Sampaloc noon! Bata pa lang ako, mukhang makulit na, ‘di ba?”

Samantala, mas pinatingkad ni Angeline Quinto ang mensahe ng wagas at matatag na pag-ibig sa kanyang bagong single na Hindi Mawawala, bago ang kanyang inaabangang 15th anniversary concert na AQUINSE sa Agosto 22 (Sabado) sa Smart Araneta Coliseum.

Mula sa komposisyon ni ABS-CBN Music Creatives, Content, and Operations head Jonathan Manalo, umiikot ang emosyonal na ballad sa pag-ibig na nananatiling matatag sa kabila ng panahon, distansiya, at iba’t ibang pagsubok sa buhay.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page