May sariling movie na… IVANA, BIDA SA REMAKE NG BURLESK QUEEN NI VILMA
- BULGAR

- Dec 12, 2020
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 12, 2020

So, si Ivana Alawi pala ang masuwerteng napili ni Joed Serrano para sa remake ng Burlesk Queen movie noon ni Star for All Seasons Vilma Santos na isa nga sa 10 pelikulang naka-line-up na gagawin sa mga susunod na buwan ng The Godfather Productions ni Joed.
Agree kami na bagay kay Ivana ang role dahil bukod sa super sexy siya, napatunayan na rin naman niyang may ibubuga siya sa akting sa mga seryeng ginawa niya sa Kapamilya Network.
Sa lakas ng appeal ni Ivana sa kalalakihan — na pati nga ang baguhang alaga ni Joed na si Ricky Gumera na kasama sa Macho Dancer movie na ipoprodyus din ng The Godfather Productions ay type na type pala ang seksing aktres — tiyak na kakagatin ito ng madlang pipol at tatatak kay Ivana ang pagiging bagong "Burlesk Queen".




Comments