top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

May respiratory problems, ingat sa haze

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | September 12, 2023


Napansin n’yo ba ang tila kulay-abo sa kalangitan sa maraming lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan kamakailan?


Hindi umano ito fog, bagkus maituturing itong haze, ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja.


Aniya, ang grayish hue ay dahil sa haze o manipis na ulap, na nagpapahiwatig ng mga pollutants sa ating kapaligiran.


Sa isang interview ipinaliwanag ni Estareja na ang fog ay parang manipis na cloud o ulap at maganda itong tingnan dahil maputi. Habang ang haze ay parang gray, na kung minsan kulay orange o kahel kapag palubog na ang araw subalit may mga pollutants.


Agad naman siyang nagbabala sa mga taong may mga respiratory problems na mag-ingat dahil sa madali silang maapektuhan ng haze.


Ayon sa PAGASA, tumaas ang nararanasang haze ng humigit-kumulang 3 araw na ang nakalilipas, habang wala namang naobserbahan sa bahaging itaas ng atmosphere noong Lunes.


Una nang nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) hinggil sa naturang haze o smog na magsuot ng mask lalo na sa mga mausok na lugar dahil sa iba’t ibang air contaminants.


Sinabi naman ni DOH Secretary Ted Herbosa na ang smog, isang halo ng usok at fog, ay naglalaman ng kumbinasyon ng iba’t ibang pollutants sa hangin na maaaring magdulot ng pinsala sa mga baga.


Giit ni Herbosa, ang proteksyon para rito kung mataas ang smog, dust at particles ay kailangang mag-mask. Gayundin aniya, kung naghihintay o nag-aabang ng sasakyan sa EDSA at binubugahan ng mga usok ay kailangang mag-mask. Dapat na mag-mask sa mga lugar na mataas ang smog.


Sa ngayon ayon sa weather bureau na pawala na rin ang naturang haze.


Nakakabahala ang nararanasang haze sa maraming lugar sa bansa.


Bagama’t sinasabing hindi ito lubos na mapanganib, posible pa ring makaapekto ito sa ating kalusugan.


Marahil, dapat sigurong magdoble-ingat na lamang tayo sa lahat ng oras, lalo na iyong may mga problema sa paghinga dahil maaaring ma-inhale ang maituturing na nating maruming hangin.


Mas mabuting magsuot pa rin ng mask, at sunglasses para maproteksyunan na rin ang ating mga mata.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page