'May potensiyal ang Pinoy athletes sa Teqball' — Bambol
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
by MC @Sports News | April 6, 2026

Photo: Nagpulong na sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino (gitna) Fédération Internationale de Teqball president Dr. Victor Huszár (ikalawa mula kaliwa) nang bumisita noong Huwebes Santo sa Shangri La Makati kasama sina POC secretary-general Atty. Wharton Chan at PITEQ secretary-general Peter Paul Soliman at executive director Jovy Mamawal hinggil sa naturang laro. (POC Photo/oasport.it/teqball)
Nangako ang Fédération Internationale de Teqball (FITEQ) na masuportahan at mapalawak sa Pilipinas ang fast-growing sport na isa na ngayong opisyal na programa ng mga pangunahing international competitions.
“Teqball has gained outstanding popularity recently and it’s one sport that Filipino athletes could potentially dominate,” ani Tolentino na sinalubong ang pagdating ni FITEQ president Dr. Victor Huszár nong Huwebes Santo sa Shangri La Makati.
Nasa bansa si Huszár upang mapalakas ang presensiya ng sports sa bansa- ang Philippine Teqball Federation (PITEQ) na pinamumunuan ni Victor Yap.
Ang Teqball ay inilaro sa Southeast Asian Games sa Thailand noong Disyembre 2025 at ngayon ay nasa programa rin ng Asian Games sa Nagoya sa Setyembre maging sa Riyadh Asian Indoor and Martial Arts Games, saad ni Tolentino.
Kasama si POC secretary-general Atty. Wharton Chan ni Tolentino na sinalubong si Huszár, na kaagapay din sina PITEQ secretary-general Peter Paul Soliman at executive director Jovy Mamawal.
Nadiskubre sa Hungary noong 2012, ang teqball ay laro na pinagsamang football at table tennis at gingamitan ng curved table na tinatawag na TEQ table— isang low-impact game na kinakailangan ng technical skills kung saan ang players ay gagamit ng anumang parte ng kanyang katawan maliban sa mga braso at kamay para ibalik ang bola.
Ang PITEQ ay may headquarters sa Budapest at mayroon nang 124 member federations kabilang na ang 36 na bansa sa Asya.




Comments