top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

May pasabog sa Araneta Coliseum… ANDREA, BAGONG PRINSESA NI MVP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 27, 2026



 Andrea Brillantes - Instagram

Photo: Andrea Brillantes - Instagram



Pasabog ang ginawang performance ni Andrea Brillantes sa halftime ng pa-basketball tournament ni Mr. Manny V. Pangilinan, CEO ng TV5. 

Bonggacious ang outfit ni Andrea sa kanyang production number dahil lutang na lutang ang kaseksihan niya.


Ipinost ni Andrea ang tatlong pictures niya wearing her outfit during her halftime performance sa kanyang Instagram account.





Caption ni Andrea, “Yesterday’s halftime moment at Smart Araneta Coliseum.”

Pinasalamatan ni Andrea si MVP at tinawag na boss sa huling bahagi ng caption niya.


Tama naman, boss niya talaga si MVP. May kontrata siya sa streaming platform nito at may series sila ni Enrique Gil, ang A Secret in Prague (ASIP) na ipinrodyus din ng business tycoon.


Mukhang si Andrea Brillantes ang bagong prinsesa ni MVP.

Why not?



TUMALAK si Angel Locsin sa social media sa kabila ng kanyang pananahimik. Hindi nakatiis si Angel na lumantad online para depensahan ang stepson niyang si Joaquin Arce.


Si Joaquin ay anak ng mister ni Angel na si Neil Arce sa una nitong misis. At the same time, isa si Joaquin sa mga housemates ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.


Nag-react si Angel nang sabihang ‘nepo baby’ si Joaquin online. Isang mahabang mensahe ang ipinost niya sa X (dating Twitter) kahapon upang ipagtanggol si Joaquin.


“Bihira lang akong mag-social media, ha. Pero nagulat ako sa comments ng ilang tao rito. Ano namang kasalanan ni Joaquin at naging asawa ko ang dad n’ya para ma-brand s’ya as nepo baby?” panimula ng post ni Angel sa X.


Ipinaalala ni Angel sa mga netizens na dati rin siyang nasa ibaba at naranasan ang ginagawa ng mga mahihirap gaya ng pagsakay sa public transportation.


Pagre-remind ni Angel sa publiko, “Para namang ‘di ako nag-dyip o bus papuntang tapings ko dati. Ka-level ko pala si Discaya? LOL (laugh out loud). Pero ‘yung pera ko, ‘di galing sa nakaw.


“‘Yung 12K na boto ko kay Joaquin sa buong journey n’ya, baka dagdagan ko, maasar ko lang ‘yung ibang gumagawa ng issue.


“My son could have asked me for a project, but ang hiniling n’ya is mag-audition sa PBB. ‘Wag bitter. Nakakapangit ‘yan.”


Marami ang nakaintindi kay Angel sa pagdepensa kay Joaquin online.

Sey ng mga fans:


“Me as a stepmom, would do the same.”


“Grabe si Idol Angel, kahit minsan lang magsalita, mapi-feel mo pa rin talaga na sobrang bait at napaka-soft lang ng talk n’ya. Ikaw lang talaga ang Darna sa akin, Idol Angel Locsin.”

Inilahad naman ng nakasubaybay kay Joaquin sa loob ng PBB house kung bakit nakasama ang stepson ni Angel sa Ultimate 8.


“Mas marami rin s’yang lie na nakuha kahit na sincere naman ang mga sagot n’ya. Pero ‘yung ibang housemates, puro truth kahit harapan sa screen at kita na nagsinungaling. Parang pinag-usapan pa ng mga housemates bago sila magtaas ng kamay, tinginan muna sa mga kasama nila kung ano ang ibo-vote nila. Unfair ito para kay Joaquin.”


“Si Joaquin ang pinakatotoo. Ipinakita n’ya ang mga imperfections n’ya pero still willing to listen and to improve.”


“Mabait na tao si Joaquin, may strong personality s’ya. Sadyang may mga taong ‘di nakakaintindi pero mabuti si Joaquin. Sila ni Lella (Ford) ang Big Winner ko.”

So, there!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page