top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

May P20M cash, 2 condo na P24M, free flights, etc. YULO, BIGLANG SIKAT NA, INSTANT YAMAN PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 6, 2024


Showbiz News
Photo: Carlos Yulo / IG

Dahil sa dalawang gold medals na kanyang napanalunan sa Paris Olympics, nag-level-up ang kasikatan ni Carlos Yulo. Ipinagbunyi siya ng lahat ng Pilipino dahil sa karangalang kanyang ibinigay sa ating bansa. 


Milyones ang matatanggap na incentives ni Carlos bilang gold medalist na athlete. Sigurado na ang P20 million na cash prize na ipagkakaloob sa kanya ng ating gobyerno (P10 million for each gold medal). May 2 condo unit din siya sa McKinley Hills sa BGC worth P24 million.


Bukod dito, binigyan din siya ng sariling franchise ng McDonald’s. Libre rin ang kanyang electric bill for lifetime at libre rin siya sa flights ng Philippine Airlines (PAL) for lifetime din saanman niya gustong pumunta.


Well, tiyak din na daragsa ang offers na endorsements ng iba’t ibang products tulad ng nangyari noon kay Manny Pacquiao. 


Milyonaryo na nga si Carlos Yulo kung ibabase sa mga premyo na kanyang matatanggap, pero hindi ganap ang kanyang magiging kaligayahan dahil sa gitna ng kanyang tagumpay ay may internal problem naman ang kanyang pamilya. 


Mismong ang kanyang ina ang sumisira sa magandang image ni Carlos Yulo.



Nu’ng ‘di pa sikat, Kobe… KYLINE, NAKIKISAKAY LANG SA TRUCK NG GULAY


Showbiz News
Photo: Kyline Alcantara / IG

Malaki rin ang hirap na pinagdaanan noon ni Kyline Alcantara nang nag-uumpisa siya sa showbiz dahil kapos sila sa pera. Naranasan ni Kyline at ng kanyang mommy na makisakay sa truck ng gulay na nagbibiyahe mula Naga hanggang Maynila, upang makalibre sa pamasahe kapag nag-o-audition si Kyline. 


Lumuluwas silang mag-ina kapag may pa-contest, hanggang sa pinalad si Kyline at nabigyan ng break sa showbiz at isa-isang nabuksan ang mga oportunidad para sa kanya. Sinuwerte siya sa GMA Network, sunud-sunod ang kanyang mga projects. 


Kasabay ng kanyang pagsikat ang pagkaka-link niya sa mga young actors na kanyang nakakapareha tulad ni Mavy Legaspi.


May ilang netizens naman ang nag-advise kay Kyline na tigilan na ang mama’s boy issue ni Mavy, tutal  naman ay masaya na siya ngayon sa bago niyang pag-ibig na si Kobe Paras.


Sumikat na siya, kaya sa career na lang siya mag-concentrate. ‘Wag na siyang magpaparinig kay Mavy, bawas-ganda point ‘yun sa kanya.



Sobra kaming nalungkot sa biglaang pagpanaw ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde dahil alam namin na may sakit siya, umasa kami na gagaling siya at makaka-recover. 


Ilang taon din namin na-miss ang masaya at masiglang awra ni Mother Lily kapag may pa-presscon siya sa Valencia. Bihira nang gumawa ng pelikula ang Regal Films ngayon at nakikipag-collaboration na lang sa GMA Network.


Early ‘80s namin nakilala si Mother Lily Monteverde, bagong salta pa lang kami sa showbiz noon at nag-uumpisa pa lang siya sa pag-build-up ng mga Regal Babies niyang sina Aiko Melendez, Marilyn Reynes, Maricel Soriano, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, William Martinez, Albert Martinez, Alfie Anido, Carmina Villaroel atbp.. 


Bongga ang cast noon ng Bilibid Boys.


Tumatak sa moviegoers ang pelikulang Shake, Rattle & Roll series, ganu’n din ang Mano Po. Halos lahat ng malalaking artists noong ‘80s at ‘90s ay sa Regal Films nagsimula tulad nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Anjo Yllana, Dawn Zulueta, Ice Seguerra atbp..


Marapat lamang na dumalaw ang mga Regal Babies na pinasikat ni Mother Lily upang magbigay-pugay sa isang showbiz icon na nagmalasakit sa movie Industry.



Bago pa sumikat si Ivana Alawi ay si Kim Domingo ang pinagpapantasyahan ng mga kalakakihan. Bukod sa maganda at sexy ay makinis din ang kutis. Ngunit ayaw daw ni Kim Domingo na magkaroon ng sexy star image. Hindi raw ‘yun ang pinangarap niya kundi maging isang seryosong aktres. 


Tinanggihan noon ni Kim Domingo ang mga projects na kailangan niyang magpa-sexy, sa Bubble Gang lang siya noon napapanood. Hanggang sa unti-unting lumamlam ang kanyang career, natabunan si Kim ng mga bagong sexy stars. Kaya ang pagkakasama niya sa seryeng Batang Quiapo (BQ) ay malaki ang magagawa sa kanyang career. 


Si Kim Domingo ang bagong character sa BQ na kapalit ni Ivana Alawi. Siya ang gaganap bilang si Madonna na isang astig at maangas na babaeng magkakaroon ng kaugnayan kay Tanggol (Coco Martin).


So far, hindi naman nanibago si Kim Domingo sa kanyang role sa Batang Quiapo. Inaalalayan siya ni Coco sa mga fight scenes. Excited si Kim sa kanyang role dahil matagal na niyang pangarap ang makatrabaho ang aktor-direktor.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page