May movie na ipapalabas… SIGAW NG MGA MARITES: ALEX, BIGLANG BAIT-BAITAN SA SOCMED
- BULGAR
- Apr 6, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | April 6, 2023

"Baka naman naghimala," sey ng mga Marites na tila naloloka sa diumano'y biglaang pagbabait-baitan ni Alex Gonzaga sa social media.
Ito rin ang komento ng ilang nakasaksi sa pagiging "behave" nito noong Parada ng mga Bituin para sa 1st Summer MMFF.
Although nakikipagkulitan pa rin daw ito sa ilang artista lalo na kina Aljur Abrenica at Angeline Quinto na kasama niya sa movie entry, malayung-malayo raw ito sa dating "paandar at papansin" na Alex.
Well, halos napuntahan namin lahat ang presscon at ilang advance screening ng mga entries, maliban sa pelikula nina Alex, Angeline at Aljur.
Kung hindi pa namin nakatsikahan ang isang malapit naming kaibigan sa Faces & Curves, hindi pa namin malalaman ang personal na panawagan at pakiusap ng direktor ng movie na si Fifth Solomon, na tulungan naman daw natin i-promote ang kanilang pelikula dahil nu'ng nagsimula nang pag-usapan ang tungkol sa mga entries para sa 1st Summer MMFF ay nagmistulang saling-pusa lang sila sa festival.
Halos 'di nga raw ito pinapansin, napapansin o nababalitaan man lang, maliban sa naging isyu nina Aljur at Kylie Padilla (from another entry) nang magkasama sa stage before ng parade.
Mapapa-"aguuuy" na lang talaga tayo sa awa, 'di ba, Mareng Ateng Janiz at mga Ka-BULGAR?








Comments