May mahahalagang video files daw… P30K PABUYA SA MAGBABALIK NG CELLPHONE NI MYRTLE
- BULGAR

- Jun 15
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 15, 2026

Photo: Myrle Sarrosa - IG
Nag-aalok ng P30 thousand pabuya ang aktres na si Myrtle Sarrosa para sa sinumang makapagbabalik ng kanyang nawawalang cellphone.
Sa kanyang social media post, emosyonal na nakiusap si Myrtle na sana ay maibalik ang kanyang cellphone dahil naglalaman ito ng mahahalagang alaala, mga personal na file, at mga video na ginagamit niya para sa kanyang content creation.
Saad ni Myrtle sa post niya, “Today, my phone got stolen during ToyCon.
“Sa nakapulot o nakakuha po ng phone ko, nagmamakaawa po ako. Sana, maibalik ninyo na lang po ito. I’m willing to give a P30 thousand reward sa makakapagbalik nito.
“‘Di po ako galit. Honestly, I completely understand that people go through different circumstances in life. From the bottom of my heart, wala po akong galit o sama ng loob.
“Ang hiling ko lang po sana ay maibalik ang phone ko. Marami po kasi itong important memories, files, and videos for my content na ‘di ko na mapapalitan.
“Please po. As long as maibalik ninyo ‘to, ibibigay ko po ang reward at ‘di na po ako magtatanong pa.
“Maraming salamat po.”
Anyway, sana ay makarating ang panawagang ito sa taong nakapulot ng cellphone ni Myrtle Sarrosa at maibalik ito sa kanya sa lalong madaling panahon.
“NAGING mabuti akong anak sa parents ko,” ito ang madamdaming pahayag ng aktres na si Claudine Barretto nang mag-guest siya kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam, hindi napigilan ni Claudine na maging emosyonal habang inaalala ang kanyang namayapang ina na si Inday Barretto.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “What do you miss most about mom?”
Saad ni Claudine, “Alam mo ‘yung may times na may gusto kang ikuwento, then you reach for your phone, tapos mare-realize ko, ‘Ay, wala na pala akong tatawagan.’ Habit. That happens to me all the time.
“And we were talking earlier, habang may mga magulang pa kayo, please, mahalin ninyo ang magulang n’yo lalo na ang nanay ninyo. ‘Di ninyo alam kung gaano kaimportante ang nanay sa pamilya. ‘Di ba? Make your nanay proud.
“And if meron man akong takeaway or maipagmamalaki sa buhay ko, naging mabuti akong anak sa parents ko.”
Mabilis na sumang-ayon ang mahusay na TV host sa sinabi ni Claudine.
Ani Boy, “Alam mo, when we were talking about your guesting today, sinabi ko ‘yun sa kanilang lahat. I told them, ‘Ah, puwede ninyong puntusan si Claudine sa kahit na anong bagay, pero ‘di sa pagiging anak.’”
Sa naturang panayam, napag-usapan din ang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto.
Tanong ni Boy, “How is Gretchen?”
Saad ni Claudine, “Unbelievable. She’s still, of course, the queen. I don’t know how she does it, but she does it really well. I mean, that’s what queens are for, right?”
Dagdag na tanong ni Boy, “When was your last conversation, and what was it about?”
Saad ni Claudine, “You! Kaninang umaga. Ikaw ang pinag-usapan namin. So tumawag ‘yung butler (mayordoma) n’ya, si Lady Jay. Sabi n’ya, ‘Kumusta ka raw sabi ng ate mo.’ Sabi ko,
‘May Fast Talk with Boy Abunda ako mamaya.’ Sabi n’ya, ‘Give him my love,’ sobrang bilis pa. Alam mo naman ‘pag ikaw, Boy, ‘pag si Gretchen, mahal na mahal ka.
“I’m so proud of my sister. You should see her now. She’s always been beautiful, pero ngayon, ewan ko talaga kung ano ang sumapi sa kapatid ko at extra-extra yata ang pagkaganda n’ya.”
In all fairness, hindi pa rin maikakaila ang taglay na kagandahan ni Gretchen Barretto, o mas kilala ng ilan bilang La Greta.
Sa edad na 56, marami pa rin ang humahanga sa kanyang makinis na kutis, magandang pangangatawan, at timeless na alindog.
Sa totoo lang.





Comments