May maaagawan ng korona o may magiging undisputed?
- BULGAR
- Dec 19, 2023
- 2 min read
ni GA @Sports | December 19, 2023

Parehong gigil at matindi ang pagnanais nina unified IBF/WBA champion Marlon “Nightmare” Tapales at unbeaten WBC/WBO titlist Naoya “Monster” Inoue na makuha ang pinaka-aasam na mga titulo upang maging ‘undisputed’ super-bantamweight title holder para sa pinaka-aabangang bakbakan sa Disyembre 26 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.
Todo ang pagsasanay at paghahandang ipinapakita ni Tapales (37-3, 19KOs) na ipinagpapatuloy ang lahat ng ito sa Baguio City, matapos simulan ang paghahanda sa Las Vegas, Nevada, upang maging kauna-unahang boksingerong gigiba sa undefeated Japanese champion matapos pataubin ang maraming Filipino, kabilang si four-division World titlist Nonito “The Filipino Flash” Donaire.
Aminado ang 31-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte na inaasahan niyang magiging mas matindi ang ipapakitang lakas at kondisyon kontra sa 30-anyos na nagmula sa Zama, Kanagawa lalo pa’t puntiya nitong maging two-division undisputed titlist tulad ni welterweight king Terence “Bud” Crawford.
Naging mas determinado ang dating WBO bantamweight titlist na makapag-ukit ng kasaysayan na hindi nagawa ng mga legendary Pinoy boxers na sina eight-division World titlist Manny “Pacman” Pacquiao, Donaire at Donnie “Ahas” Nietes. Nais pang pahabai ni Tapales ang kanyang winning streak sa lima na huling beses nabigo sa isang Hapon kay Ryosuke Iwasa sa 11th round TKO sa Barclays Center sa Brooklyn, New York nung Disyembre 7, 2019.
“I think for me it’s really important because I need to throw a lot of punches, it’s helpful for me because it’s hard here to do it like because it’s really tiring but when I’m used to it I can do whatever I need to do. I want to go down as the first undisputed Filipino world champion,” paliwanag ng 5-foot-5 boxer na lalaban sa kanyang pinakamalaking laban sa karera sa boksing na buhos ang paghahanda sa training camp.
Comments