May LQ daw… KIM AT PAULO, ‘DI SABAY LUMIPAD PA-LONDON
- BULGAR
- 5 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 28, 2025

Photo: Kim Chiu at Paulo Avelino - IG
Bumiyahe na patungong England si Kim Chiu, pero hindi sila magkasabay ni Paulo Avelino.
Sey nga ng kanilang mga followers…
“Bakit ‘di pa kayo nagsabay? Emeee! Paulo Avelino papunta na rin sa UK for A.S.A.P. in England!”
“Oo nga, bakit nga ba ‘di nagsabay? Darla Sauler at si Darren Espanto pa ang katabi at kasama. Mas gusto ni Kim kasabay ang bestie (Darren) kaysa sa babe niya. Kaka-disappoint lang kasi power tandem sina KimPau. Mas happy si Kim kay Darren, 2-timer Kim between Paulo Avelino and Darren Espanto. Nakakainis lang!”
“Rules po ng management kaya ‘di sila sabay, kasi may rehearsal yata sina Kim. Saka, wala namang problema kung ‘di sila sabay kasi magkasama naman po sila doon. Lawakan naman po sana natin minsan ang pag-iisip natin,” pagtatanggol ng isa.
“‘Wag kayo mag-alala, mga bashers ng KimPau. Pagdating sa London, magkasama na KimPau hanggang sa pag-uwi,” dagdag ng isa pa.
Sey naman ng isang commenter, “I’m sure may problema ang mga ‘yan. ‘Wag na kasi makialam ang KimPau, hindi sa lahat ng oras, alam n’yo ang update sa kanila.
“Eh, ‘di ba, si Kim namomroblema sa sis n’ya? S’yempre, damay-damay na ‘yan…”
Hmmm… Totoo nga kayang may tampuhan ngayon ang KimPau kaya ‘di sila nagsabay pa-London?
Ka-tie si Vice… ARJO, INISNAB NG MMFF, NAG-BEST ACTOR SA FAMAS

HINDI talaga matatawaran ang husay ng isang Arjo Atayde. Siya ang pinarangalan bilang 73rd FAMAS Best Actor kamakailan na ginanap sa Manila Hotel.
Kinilala ang husay ng actor-public servant dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Topakk ng Nathan Studios.
Naka-tie ng pulitikong aktor sa nasabing kategorya ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda para naman sa pelikulang And The Breadwinner Is… (ATBWI). Ang dalawang nabanggit na pelikula ay parehong naging kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) last year.
Ang role ni Cong. Arjo ay ex-military officer na naging security guard na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD) matapos mapaslang ang kaibigang sundalo.
Bukod sa Best Actor award, nakuha rin ng Topakk ang FAMAS 2025 Best Sound award na mula sa direksiyon ni Richard Somes.
Sa acceptance speech ng award-winning actor, inialay niya ang lahat ng parangal na nakuha nila sa lahat ng sundalong Pinoy.
Aniya, “Sa lahat ng ating mga sundalo na nagbigay sa amin ng inspirasyon upang lumikha ng kuwento, hindi lahat ng may topak, may topak naman. Lahat kami ay nangunguna sa aming sariling mga paraan, kadalasan ito ay hindi naiintindihan.”
Dugtong pa ni Arjo, “Sa sinuman at sa lahat na nakakaranas ng mga isyu sa kalusugan ng isip, alamin na mahal ka at hindi ka nag-iisa. Hindi namin ginagawa ito, ngunit nagtatrabaho kami upang magkuwento ng magandang kuwento, at ito ang nangyari.”
Pinasalamatan din ni Arjo ang kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde, at siyempre, ang pinakamamahal niyang misis na si Maine Mendoza.
Sabi nga ng isang commenter, “Sa MMFF in-snob nila ang Topakk, dito sa FAMAS ay kinilala nila ang husay ni Arjo. Eh, ‘di ba prestihiyosong award ito?”
Uhmmm… ‘Yun lang!
“MAGANDANG umaga! Simulan natin ang araw nang may ngiti!” ‘yan ang latest post ni Angel Locsin sa kanyang Facebook (FB) account.
Halos lahat ng komento ay “Good morning” na pagbati sa aktres.
Komento naman ng ibang netizens:
“That’s right. It is always a good virtue. Smile and greet people every time and everywhere. Love it!”
“Absolutely stunning.”
Tanong ng isang commenter, “Kailan ka kaya lalabas ulit sa TV o kaya sa big screen? Huling panood ko sa iyo ‘yung The General’s Daughter pa. Gabi-gabi ko ‘yun pinanood hanggang sa matapos.”
“Pumayat ka na ulit.”
“Have a blessed morning, my idol Darna. Nakakaganda ka ng umaga. ‘Yung masilayan ka lang, my Angel Locsin.”
“Super-ganda ni Ma’am Angel Locsin. Sana, bumalik na s’ya sa showbiz.”
Kailan kaya ‘yan? Tanging ang aktres lang ang makakasagot..
Comments