May lalaban pang boxers para sa Olympic qualifying
ni Clyde Mariano @Sports | March 20, 2024

Hindi tapos ang laban ng boxers sa kanilang hangad na makalaro sa Paris Olympics.
Mayroon pang isang qualifying na gagawin sa Mayo 23 hanggang June 3 sa Thailand.
Kailangan nilang makapasa sila sa huling qualification at makasama sina Felix Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas sa Paris at lumakas ang tsansa na masungkit ang mailap na ginto.
“It’s not over yet. May pag-asa pa yung mga boxers natin hindi nakapasa sa qualifying sa Italy. The Bangkok tournament is there last chance,” sabi ni ABAP secretary general Marcus Manalo sa PSA Forum kahapon na ginawa sa PSC Conference Room.
Magtatapos ang qualification window sa June 30 bago simulan ang Olympics sa July. Unang nakakuha ng ticket si Marcial sa Paris nang makapilak sa Asian Games sa China. “Kailangang ma-qualify pa ang iba natin mga boxers to have good chances win the elusive gold,” sabi ni Manalo.
Tulad ng ginawa nila sa Spain ay nagtayo ng training camp matapos mag-training ng dalawang linggo sa Canberra sa Australia, magtatayo ang mga boxers ng training camp sa enver, Colorado bago sumali ang boxers sa weeklong tournament sa April 14-21.
Babalik ang mga boxers sa bansa bago pumunta sa Thailand sa sumunod pang dalawang linggo bago lumaban sa Bangkok. “To be honest mayroong mga under evaluation pa kasi hindi naman lahat ay kailangan ipadala sa Thailand. We want our coaches to focus on the boxers who have good chances of qualifying” wika ni Manalo. “We don’t have a final lineup yet. We’ll focus on quality than quantity going to the qualifiers,” ani Manalo.
Sigurado sa Thailand si dating World Vovinam champion Hergie Bacyadan, Tokyo silver medalist Carlo Paalam at kapwa SEA Games gold medalist Rogen Ladon. Nagkaroon ng minor injury si Paalam matapos ibalibag sa canvas ng Mexican na kalaban na si Andrey Bonilla.





Comments