May krisis sa COVID at ekonomiya ngayon, walang bago!
ni Ka Ambo - @Bistado | August 19, 2021
Shocked ang media community dahil sa asisinasyon sa media executive na si Gwen Salamida Diaz.
Unang nagtrabaho si Gwen sa BULGAR bago nalipat sa ibang diyaryo!
◘◘◘
SUPER active siya sa media industry kaya napakarami ng kanyang mga kaibigan ng humihingi ng hustisya.
Inilihis ang news content sa post sa social media upang palabasing robbery at pinalitaw na negosyante ang media personality!
◘◘◘
MAKIKITA natin dito na ang mga ulat sa social media ay karaniwang palsipikado at nag-iimpluwensiya lamang ng impresyon.
Hindi lahat ng naka-post sa social media ay tumpak ang teksto at konteksto!
◘◘◘
MAY crisis sa COVID at may krisis sa ekonomiya ngayon.
Pero ang mas mapanganib na krisis ay ang hindi maayos at palpak na paglilipat-lipat ng impormasyon!
◘◘◘
HINDI ito tinatalakay sa mass communication courses sa unibersidad dahil ang mga nagrurunung-runungan na professor at instructor ay naiwanan na ng panahon, teknolohiya at modernisasyon.
Naghunos na nang todo ang kultura pero ang sistemang edukasyon ay naiwanan sa pansitan sa panahon ng
Mitolohiya at kuwentong bayan!
◘◘◘
LIPAS na rin ang mga panitikan na mayroon nang bagong anyo.
Maging ang lengguwahe ay nasapawan na ng modernong terminolohiya pero ang mga aklat ay nakasulat pa rin sa sinaunang lengguwaheng kasinluma ng haygrolipiks!
◘◘◘
ANG grupo ng mga award winning poets at writers ay sinusukat sa lumang pamantayan gayung hindi na ito angkop sa kasalukuyang panahon.
Nagsusumiksik sila sa lipas nang iskema kayat ang mga kabataan ay mistulang napadpad na ET sa ibabaw ng mundo!
◘◘◘
WALANG maayos na komunikasyon ngayon at walang nangangahas na isaayos.
Ang mga magtatangka ng inobasyon ay makatatanggap ng panlilibak, kutya at halakhak.
Eksperto sila sa lumang lengguwahe, pero mangmang sila sa lengguwahe ng makabagong kabataan.
May bago nang kultura at sosyedad, hindi ito mauunawaan ng mga eksperto nabaliw sa lipas nang estilo ng edukasyon!





Comments