top of page

May kasunod pa raw… DONNY, NAGBIGAY NG P300K SA MGA KARITON VENDORS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 28, 2025



FB @Donny Pangilinan_

Photo: FB @Donny Pangilinan_



Nag-donate ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan ng P300,000 para sa kariton vendors na itinampok sa segment na Laro Laro Pick ng It’s Showtime (IS) sa tulong ni Vice Ganda noong Huwebes.


Naantig si Donny sa kuwento ng kariton vendors na sumali sa segment noong Miyerkules kaya agad niyang tinawagan si Vice para mag-abot ng tulong.

“Tumawag talaga s’ya sa akin,” ani Vice. 


Kuwento pa ng Unkabogable Star, “Sabi n’ya, ‘Vice, nadurog ako. Hindi ko kinaya ‘yung episode. May chance ba na makita mo sila ulit? Hindi kaya ng kalooban ko kaya gusto ko magregalo.’”


Nagbigay si Donny ng P15,000 sa bawat isa sa 20 vendors bilang maagang pamaskong handog upang kahit papaano’y maibsan ang kanilang araw-araw na paghihirap.

Ibinahagi rin ni Vice na hindi ito ang huling tulong na manggagaling kay Donny. 

“Hindi lang ito ang ipinangako ni Donny,” ani Vice. 


Pahabol niya, “Hindi lang ito ang una’t huling pagtulong n’ya sa atin.”

Bukod sa donasyon ni Donny, inanunsiyo rin ni Vice na nakahanap na siya ng bagong tahanan para kay Nanay Rosie, isa sa mga vendors na dati’y naninirahan sa ilalim ng tulay.


Samantala, nasungkit muli ang jackpot prize na P100,000 sa Laro Laro Pick matapos masagot ni Nanay Edlyn ang tanong kung ilang zero ang makikita sa P1 trillion.


Higit pa sa pagiging isang programang nagbibigay-saya sa madlang people, iginiit ni Vice na unti-unti na ring nagiging plataporma ng pagtulong ang IS. Hinikayat niya ang publiko na bigyang-pansin ang segment na Laro Laro Pick at suportahan ang adhikain nitong maghatid ng pag-asa at tulong sa mas marami pang Pilipino.


Makisaya sa buong pamilya ng It’s Showtime, 12 NN mula Lunes hanggang Sabado sa GMA, A2Z, at Kapamilya Channel.

‘Yun lang, and I thank you.



“PATRON Saint of Concerned Citizens” at “Queen of Call-out” ang bagong title ng aktres na si Carla Abellana.


Nag-guest si Carla sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan lang at napag-usapan ang tungkol sa bago nitong title.


Tanong ng mahusay na TV host na si Boy Abunda, “May bago kang title, Patron Saint of Concerned Citizens, Queen of Call-out. Nu’ng narinig mo ‘yan, how do you react?”


Sagot ng magandang aktres na si Carla, “Bago ‘yung Queen of Call-out, ngayon ko lang narinig ‘yan. Sometimes honestly, natatawa lang po ako. Filipinos are so creative. Paano po nila iniisip or how did they come up with such title? Pero I guess in a way, medyo flattered kasi nabibigyan po ng title, nabibigyan ng pansin. So for me, parang laughing matter s’ya.”


Tanong ng King of Talk, “Meron ka bang pamantayan, meron ka bang criteria sa mga bagay na you react to? Ang ibig kong sabihin, ito, I can react to this, because lived experience ko ‘to?”

Sagot ni Carla, “Yes. Ako po, as long as I’m affected by it or it hits me personally, I feel involved or I feel like I’m affected by it directly in some way. That’s when lumalabas po talaga ‘yung frustration, galit, helplessness. ‘Pag ganu’n po, medyo hindi ko na napipigilan mag-call-out or mag-voice out.”


Dagdag na tanong ni Boy, “But this is the other side of Carla na ngayon lang na-highlight. Have you always been this?”


Sagot ni Carla, “Actually, no po. I’ve always been quiet. Quiet lang po ako, ‘di po ako ‘yung nangingialam. Kaya siguro frustration na rin ‘yung trigger because I feel like it’s about time I use my voice. Enough na po ‘yung pagiging tahimik. If you want to prove a certain point, ‘di ba? If it really affects you in a certain way, speak up about it.”


Totoo ang sinabi ni Boy Abunda nang ipakilala niya si Carla sa FTWBA.

Saad ni Kuya Boy, “Maganda, matapang, matalino, talented at one of the best in the business today.”


Pak na pak ka d’yan, Kuya Boy, as in pak, tumpak, ganern!



SUPER lucky ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) housemate na si Shuvee Etrata dahil dinepensahan siya ng GMA Network executive na si Madam Annette Gozon-Valdes matapos itong umani ng batikos dahil sa lumang video niya na nag-viral kung saan nabuking na isa siyang DDS. 


Sa social media post ni Madam Annette, nagbahagi siya ng kanyang saloobin tungkol sa pambabatikos kay Shuvee.


Aniya, “Please allow me to clarify an article going around... I am ready to offer my support to Shuvee, any of our artists, or any of my friends when they are wrongfully and unfairly attacked. Shuvee is not ‘die hard’ for any politician. She has had very, very few (and short) posts that have political color in the past. She gave her personal observation and opinions on what she believed to be good acts and bad acts done by the government. If she personally observed that the negative effects of drugs were mitigated in her neighborhood, then let’s respect that... just as we should respect her stand against the shutdown of ABS-CBN.


“Please, let’s respect each other’s opinions. Rather than spread hate and attack each other, we should unite against our common goals such as searching for the truth and ending corruption. Let’s join forces to cancel corruption, not people who work hard for their family. Peace (heart emoji).” 

Very well said, Madam Annette. 


In fairness kay Madam Annette, maganda na, matalino pa, at ang pinakaimportante, meron siyang malinis na puso at respeto sa kapwa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page