top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May kapalpakan man… DUTERTE GOV’T., BINIBIGYAN PA RIN NG HIGH RATING NG PULSE ASIA AT PUBLICUS ASIA

BULGAR
Apr 18, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 18, 2021


WALANG NAKAPAGSABI KAY P-DUTERTE NA SA DATOS NG ASIAN STUDIES CENTRE, KULELAT ANG ‘PINAS SA LABAN KONTRA COVID-19—Sa public address noong Abril 15, 2021, ibinida ni P-Duterte na hindi nagkulang ang gobyerno sa pagtugon sa laban kontra COVID-19.


Siguro, walang nakapagsabi kay P-Duterte na may inilabas na report ang ASIAN Studies Centre noong Feb. 11, 2021 na sa Southeast Asia (SEA) ay pinakakulelat ang Philippine gov’t. sa pagtugon sa COVID-19, kaya kahit may datos nang ganito na palpak ang Duterte gov’t. ay nagawa pa niyang ibida na hindi nagkulang ang kanyang gobyerno, boom!


◘◘◘


HINDI MAAMIN NG DUTERTE GOV’T. NA PALPAK ANG KANILANG LABAN KONTRA COVID-19—Matapos sabihin ni P-Duterte na hindi nagkulang ang kanyang gobyerno sa pagtugon ng mga problemang dulot ng COVID-19 ay kumalat sa social media ang post ng mga netizens na nagsasaad ng mga kakulangan ng Duterte gov’t. sa laban kontra COVID at kabilang ang “delayed border control”, “delay in mass testing”, “inefficient contact tracing” at “delayed vaccine rollout”.


Sa totoo lang, ang apat na konseptong ‘yan ang hindi agad nagawa ng Duerte gov’t. kaya nakapanalasa nang husto sa bansa ang COVID-19, at alam ng Duterte gov’t. ‘yan, hindi lang talaga nila matanggap na palpak ang kanilang tugon sa laban sa COVID-19, period!


◘◘◘


PULSE ASIA AT PUBLICUS ASIA, DAPAT SISIHIN SA KAPALPAKAN NG DUTERTE GOV’T. SA TUGON SA COVID-19—Hindi lang dapat Duterte gov’t. ang sisihin ng publiko sa tumitinding pananalasa ng COVID-19 sa bansa, dapat pati ang mga survey firms na Pulse Asia at Publicus Asia ay sisihin din.


Madalas maglabas ng survey ang Pulse Asia at Publicus Asia ng high approval rating sa tugon ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19, kaya’t akala tuloy ng tropang Duterte ay totoo ang mga rating na ito kaya’t dinedma na lang ang napakaimportanteng mass testing at contact tracing na humantong para umabot na sa higit 900-K ang tinamaan ng virus sa bansa, at pumalo na rin sa higit 15-K ang namatay sa virus, boom!


◘◘◘


KUNG HIRAP ANG ‘PINAS MAKAANGKAT NG BAKUNA, DAPAT SIBAKIN NA NI P-DUTERTE SI VACCINE CZAR GALVEZ—Inamin ni P-Duterte na nahihirapan ang bansa na makaangkat ng bakuna sa mga vaccines manufacturer sa ibang bansa.


Kung nahihirapan, dapat sibakin na ni P-Duterte si vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at baka sakali ang ipapalit niya dito ay may magandang diskarte, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page