May 'K' sa benepisyo, ayuda... LGBTQIA+, pasok na solo parent

by Mai Ancheta @News | November 1, 2026

Photo: Usec. Elen De Vibar Pasion - DSWD
Maaaring maging kwalipikado sa mga benepisyo at tulong ng solo parent ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Undersecretary Elen De Vibar Pasion, walang probisyon sa batas na nag-aalis sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa pagiging solo parent, basta't natutugunan nila ang mga itinakdang rekisito.
Sa kasalukuyan, nasa 7,000 sa halos 300,000 rehistradong solo parent sa bansa ang kabilang sa LGBTQIA+ community.
Hinimok din ng DSWD ang publiko na magpakita ng pag-unawa at paggalang sa mga isyung may kinalaman sa mga marginalized group.





Comments