May “K” ang mga loyalista na magalit kay Robin
- BULGAR
- Feb 21, 2022
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 21, 2022
PULITIKONG MAY POLITICAL DYNASTY, MAMALASIN KAPAG NAGING PANGULO SI VP LENI–Kapuna-puna na karamihan sa mga pulitikong nag-e-endorso sa kandidatura ng BBM-Sara ay mula sa political dynasty o pamilya ng mga pulitikong may puwesto sa gobyerno, na ibig sabihin ay iisa ang apelyido ng governor, vice-governor, mayor, vice-mayor at congressman.
May dahilan naman sila na huwag suportahan si Vice-Pres. Leni Robredo kasi tiyak na mamalasin sila, dahil may statement ang bise-presidente na kapag siya ang pinalad na maging pangulo, wawakasan na ng kanyang administrasyon ang political dynasty sa bansa na isa sa mga sanhi ng kahirapan ng mga Pinoy, period!
◘◘◘
MAY DAHILAN ANG MGA LOYALISTA NA MAGALIT KAY ROBIN–Pinutakti nang batikos ng mga loyalista si senatorial candidate Robin Padilla dahil sa statement nitong hindi niya puwedeng iendorso sa ngayon kandidatura for president ni BBM kasi wala pa raw desisyon si P-Duterte kung sinong presidential candidate ang susuportahan nito, na ayon sa aktor, kung sino ang babasbasan ng pangulo na presidential candidate ay ‘yun ang kanyang susuportahan.
May dahilan naman talaga ang mga loyalista na batikusin si Robin kasi sama siya nang sama sa mga political rally ng BBM-Sara tandem, tapos ang anak lang pala ni P-Duterte ang kanyang sinusuportahan at tablado sa kanya si BBM, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
BBM AT ROBIN, TABLAHAN–Hindi kaya ang tunay na dahilan kaya nasabi ni Robin na hindi pa niya suportado ang kandidatura ni BBM ay bilang resbak sa statement ni BBM na hindi kasama sa senatorial line-up ng BBM-Sara ang aktor?
In-announce kasi ni Sara Duterte sa political rally ng BBM-Sara sa Ilocos Norte na kasama na si Robin sa 12 senatorial line-up ng UniTeam, pero kinontra ito, hindi raw kasama sa kanilang grupo ang aktor.
Dahil d’yan, lumalabas na tablahan ang nangyayari, tablado kay BBM si Robin, at sa kabilang banda, tablado kay Robin si BBM, boom!





Comments