May ina-update sa mga ganap niya... RHIAN, PROUD SA SOCMED NA KASAMA SI MICHELLE
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 1, 2026

Photo: @whianwamos - Instagram
Tila nanunuya ang dating sa iba ng post ng aktres na si Rhian Ramos sa kanyang Instagram (IG).
Ipinost ng aktres ang isang video kung saan nag-a-update siya ng ganap niya for that day sa isang kakilala na hindi niya binanggit ang pangalan.
Palaisipan tuloy kung para kanino ang pag-a-update nito ng mga ginagawa niya.
Nakalagay sa video ni Rhian, “Update na lang kita since walang nag-u-update sa ‘yo.”
Nagsimula ang video ni Rhian pag-alis niya ng bahay at natapos sa paghiga niya sa kama kinagabihan.
“Hey, I just left the house. I’m with Michelle (Dee). I’ll be back in two hours,” panimula ni Rhian sa video.
Duda ng mga netizens, may kinalaman sa mga personalidad na sangkot sa kontrobersiya sa kanyang dating driver at sa nawawalang angpao ang pinatutungkulan ni Rhian ng kanyang update.
Reaksiyon ng netizen sa comment post, “Wala ka rin namang ma-update, eh!”
Sagot ni Rhian Ramos, “Apps ko lang na-update ko.”
Ganern?
Mula 82 lbs., 114 lbs na... KRIS, MAGANA NA ULUNG KUMAIN
Lumobo na ang mukha ni Kris Aquino sa latest photo niya na lumabas sa social media kahapon.
Nagkalaman na hindi lang ang mukha ni Kris kundi pati mga braso at ilang bahagi ng kanyang katawan.
Tsika nga ng kaibigan niyang si Boy Abunda, nadagdagan na ang timbang ni Kris nang huli silang nagkausap. Mula sa 82 pounds, naging 114 lbs. na raw ang timbang ni Kris.
Nagkaroon na raw kasi ng gana si Kris sa pagkain. No wonder, kaya nagkalaman muli ang kanyang katawan.
Ipinost ng executive producer ng dating talk show ni Kris na si Jasmin Pallera ang larawan na kuha nang binisita nila nina Darla Sauler at Melai Cantiveros ang Queen of All Media sa kanyang bahay.
Caption ni Jasmin, “We were beyond joyful to spend a beautiful evening with Krisy, Josh, and Bimb. Even more heartwarming was seeing Krisy finally finding her appetite again, yay for baby steps.
“Ang saya lang namin as we revisited the beautiful, hilariously unforgettable Kris TV moments we shared. Ang dami naming tawa!”
Natuwa ang mga netizens sa pagbuti ng hitsura ni Kris ngayon.
Sey ng isang fan, “Grabe, mas maaliwalas ang mukha ni Ms. @krisaquino ngayon! She’s really getting better. Praise God! Thank you Ms. @jasminip for sharing this photo. Fans are happy!”
Mukhang naging successful ang last treatment na pinagdaanan ni Kris last Sunday. Sana’y magtuluy-tuloy na ang magandang senyales sa kalusugan ni Kris.




Comments