May ibubulgar sa flood scam Chavit, hinarang sa Senado
- BULGAR

- May 5
- 1 min read
ng BRT @News | May 5, 2026

Photo: Hawak ang kanyang affidavit, ibinulgar ni dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson, na naudlot ang kanyang pagharap at gagawin sanang pagbubulgar sa Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Abril 7, hinggil sa umano’y anomalya sa flood control projects, nang bigla umano itong kanselahin. (Mars Santos)
Ibinulgar ni dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson ang naudlot na pagtestigo nito sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee noong Abril 7 hinggil sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Ayon sa dating gobernador, nakatanggap siya ng sulat noong Marso 25, na nag-iimbita sa kanya na dumalo sa pagdinig.
Ngunit pagdating niya sa Senado, bigla umanong kinansela ang kanyang pagtestigo kahit dala na niya ang kanyang affidavit.





Comments