May iba nang BFF, Vice? COCO, NAKIPAG-PARTNER KAY WILLIE
ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 1, 2024

And yes, isang meeting na lang umano ang kailangan para naman maging ka-back-to-back ng Eat...Bulaga! ang show ni Papi Willie Revillame.
Nasa usapang nitty-gritty items na lang pagdating sa marketing, promo at usapang mga out of town and out of the country tours, and presto, balik-TV5 na si Willie.
Bukod sa tsikang may bilyones na investment ang grupo ni Kuya Wil, guaranteed daw ang isang taong support ng mga advertisers.
Ang sinasabing bilyones na investment ay galing nga umano sa mga napagbentahang properties ni Kuya Wil, plus ‘yung mga nagtiwala ritong makisosyo mula sa malalaking names sa politics and business.
Well, if all of these are true, mukha ngang magkakaroon uli ng tila panibagong sigla at saya ang TV industry via these famous noontime shows and celebrities.





Comments