ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 12, 2024
Photo: Doc Willie Ong - FB
Totoo ngang prayers can move mountains sa kaso ni Doc Willie Ong na ngayon ay nasa Singapore upang magpagamot sa sakit niyang Sarcoma cancer.
Laking-gulat ng kanyang mga doktor sa resulta ng latest medical exams na ginawa sa kanya, lumiit na ang kanyang bukol na noon ay sinasabing nasa Stage 4 na. Okay lahat ang resulta ng eksaminasyon sa kanyang mga vital organs.
Hindi makapaniwala ang kanyang mga doktor na lumiit na ang bukol ni Doc Willie Ong — at ito ay maituturing na isang malaking himala!
Hindi lang ang modernong proseso ng gamutan sa Singapore ang masasabing dahilan ng paggaling ni Doc Willie. Dahil sa dami ng nagdasal para sa kanya, isang himala ang nangyari.
Kaya naman labis na nagpapasalamat si Doc Willie sa mga nagdasal para sa kanya.
Ayon na rin kay Doc Willie, maaaring sa Disyembre ay makauwi na siya ng Pilipinas upang makapiling ang kanyang pamilya sa Pasko. Kailangan niyang lumakas at bumalik ang kanyang kalusugan para siya ay makapangampanya.
Win or lose, ipagpapatuloy daw ni Doc Willie Ong ang pagtulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng medical help, lalo na ang mga mahihirap.
PUMASOK na rin sa political arena ang magandang asawa ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Vitug Ejercito. Tinanggap niya na maging first nominee ng partylist na Balikatan ng Filipino Families (BFF).
Ang pagsabak sa pulitika ay isang bagong kabanata sa buhay ni Precy Vitug, na ilang taon ding piniling maging asawa at ina. Lagi siyang sumusuporta sa political career ng kanyang mister na si Sen. Jinggoy Estrada, mula sa pagiging mayor ng San Juan hanggang sa pagiging senador.
Ginabayan din ni Precy Ejercito ang kanyang anak na si Janella Ejercito nang pumasok din sa pulitika.
Si Precy ang “wind beneath my wings” ni Sen. Jinggoy at nagsilbing inspirasyon ng actor/politician sa loob ng maraming taon.
Ngayong malalaki na ang kanilang mga anak, magandang oportunidad at challenge sa kanyang kakayahan ang pagiging public servant.
Sanay na sanay si Precy sa mga charity projects, dahil tumutulong siya noon kay Sen. Jinggoy at sa kanyang anak na si Janella sa pagbibigay ng ayuda kapag may kalamidad.
BONGGA ang episode ngayon ng sitcom na Pepito Manaloto (PM) na mapapanood sa GMA-7.
Magaganap ang debut ng unica hija nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.).
Bata pa si Clarissa (Angel Satsumi) nang mapasama siya sa cast ng PM. Seven years old pa lang siya noon, at sa PM na nga siya lumaki hanggang sa naging teenager.
Kaya naman regalo sa kanya ng PM family ang isang special celebration para sa kanyang 18th birthday. Pinaghandaan nang husto ang debut ni Clarissa kaya masaya siya sa pagmamahal ng kanyang PM family, lalo na nina Elsa (Manilyn), Tatay Pepito (Michael V.), at Kuya Chito (Jake Vargas).
Aabangan ng lahat kung may special guest na darating sa debut ni Angel Satsumi.
Sa kanyang edad, siguradong may mga crushes na rin siya. Darating kaya ang daddy ni Angel na isang successful Japanese businessman?
Baby ng buong cast ng Pepito Manaloto si Clarissa at ngayon ay isa na siyang ganap na dalaga!
Comments