Magpe-perform sa Lollapalooza… SB19, PINURI NG BINI NA PANG-WORLD-CLASS
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 20, 2026

Photo: BINI at SB19 - Billboard Philippines
Binati ng all-female group na BINI ang SB19 bilang isa sa mga performers sa international music festival na Lollapalooza.
Naka-post sa official X (dating Twitter) account ng SB19 ang announcement ng pag-apir ng sikat na P-pop male group sa Lollapalooza 2026 na magaganap sa Grant Park, Chicago, USA.
“Surprise, A’TIN (SB19 fans)! We’re so thrilled to announce that we’ll be performing on the Lollapalooza stage this 2026! Can’t wait to see you, Chicago. SB19 GOES LOLLA,” post ng SB19 sa X.
Bukod sa SB19, sandamakmak na artists from around the world ang naimbitahang mag-perform sa Lollapalooza mula July 30 to August 2.
It’s a four-day musical event na may walong bahagi na sumasaklaw sa iba't ibang genre ng musika.
Nag-post ang BINI sa X ng kanilang pagbati sa bagong milestone na na-achieve ng SB19.
Sabi ng BINI, “A win for @SB19Official, a win for OPM! Huge congrats on your Lollapalooza journey! From PH to the world… mabuhay ang musikang Pilipino!”
Pinasalamatan ng SB19 ang pagbati ng BINI.
Reply ng SB19 sa X post ng BINI, “Maraming salamat. All the best din sa Coachella n’yo this April! Mabuhay ang musikang Pilipino, lagi-lagi!”
Natuwa ang mga fans both ng SB19 at BINI sa naging gestures ng dalawang sikat na P-pop groups.
“Wahhhhh! Ang cute ng interactions. Sana, ang mga fans din ay umayos na sa ka-toxic-an. Gusto ko rin i-support ‘yung SB19.”
“Fr (for real), and until now nakikinig ako ng music ng SB19 pero na-stop lang din ako sa pag-stan kasi big effect din na para bang may agawan ng lupa sa kamag-anak na BLOOMS (BINI fans) and A’TIN. Nahirapan ako at na-stress.”
“Yeah! Mabuhay ang OPM!”
Mabuhay!
NGAYONG ika-11 taon nito, magbabalik ang Sinag Maynila Film Festival (SMFF) ngayong buwan na may kapana-panabik na line-up ng anim na pelikulang maglalaban-laban sa full-length na kategorya mula sa mga beterano at bagong direktor.
Ang taunang independent film festival ay co-founded ni Wilson Tieng ng Solar Studios at ng kinikilalang filmmaker na si Brillante Mendoza, na nagsisilbing festival director.
Ipinagpapatuloy nito ang misyon nitong ipakita ang kalidad at may kaugnayang kultural na lokal na sinehan.
Sa pagpapatuloy ng layunin nitong ‘Sine Lokal, Pang-International’, ang Sinag Maynila ay nagtatampok ng mga kakaibang kuwentong may kaugnayan sa lipunan na sumasalamin sa karanasang Pilipino, na naglalayong turuan, magbigay ng inspirasyon at liwanag sa mga manonood.
Ito rin ay nagsisilbing launchpad para sa mga umuusbong na filmmakers at isang plataporma para sa mga baguhang direktor.
Ngayong taon, ang Sinag Maynila 2026 ay magsisimula sa March 23 hanggang 29 sa Gateway Cineplex bilang official venue partner.
Ang anim na pelikulang lumalaban sa full-length na kategorya ay opisyal na ipinakilala noong Marso 10 sa ginanap na mediacon ng Sinag Maynila sa Quezon City.
Ang mga nakikipagkumpitensiyang pelikula ay ang mga sumusunod:
1. Ang Bangkay (AB) (psychological drama, period) starring Vince Tañada, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, at Mercedes Cabral, with Juan Calma, Sarah Javier, JP Lopez, at OJ Arci.
2. Desperada (drama) sa direksiyon ni Louie Ignacio at panulat ni Dennis Evangelista, starring Robb Guinto, Yasser Marta, Mhack Morales, Sue Prado, at Mercedes Cabral, with Marife Necesito, Julianne Richards, at introducing Jorge Guda.
3. Lanaya (crime drama) written and directed by Clyde Capistrano. Starring Shaun Salvador, Jun Nayra, Rolando Inocencio, at Madeleine Nicolas, with Gigi Hernandez, Marlon Mance, Aljun Fajardo, at Rhett Romero.
4. Pinikas (comedy, drama, slice of life) written and directed by Cris Fuego, starring Angela Villarin at Jade Makawili, with other regional actors Kevin Reams, Michael Bacalso, Randolph Valmoria, Dion Seco Cecilio, Jolaica Amiana, Ellah Mae Cuaton, at Arvin Cabajes.
5. Sweet Escape (romance drama) directed by Rommel C. Ricafort, written by Shine D. Ricafort,
starring Arci Muñoz at Kang Donggun, with William Lorenzo, Matet de Leon, Ayeesha Cervantes, Ana de Leon, Brylle Parzuelo, at Alex Chang.
6. All About Her (crime drama) directed by Joel Lamangan at written by Quinn Carrillo, starring Tony Labrusca, Yuki Sonoda, at Kelley Day, with Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, at Jim Pebanco.
Mapapanood din ang mga pelikulang kasali sa Sinag Maynila 2026 sa Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex at Lucky Chinatown Cinemas.
Para sa full screening schedule ng lahat ng categories, bisitahin ang Sinag Maynila Facebook (FB) page.








Comments