top of page

May ganern, Sue? Bagong luxury car ni Dominic, galing daw sa rich gay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 9, 2026



WINNER - BAGONG LUXURY CAR NI DOMINIC, GALING DAW SA RICH GAY_IG _dominicroque

Photo: IG _dominicroque



Buong-pagmamalaki namang ipinakita ni Dominic Roque ang bagong bili niyang sasakyan sa social media. Ibinahagi ng aktor ang video noong araw na nakuha niya ang kanyang bagong high-end car.


Caption ni Dom, “Wooot! Wooot! RapRap 2.0. 3.0L V6 Ranger Raptor.”

Shocked ang mga netizens sa bagong achievement ni Dominic.

“Wow! Idol, Papa Dom.”


“Ganda, bagay d’yan si Sue Ramirez sumakay.”

“Senyora, susunduin ka na raw po para makipag-date sa 14.”


Pero may nagtataka naman kung saan o kanino galing ang bagong kotse ni Dom.

Komento ng mga Marites, “Senyora, ang galante mo naman kay D.”

“Sino po ba ang sasakay mo r’yan? Si S po ba?”


May mga bashers naman ni Dom ang iniintriga siyang baka bigay daw ng rich gay ang naturang high-end cars.


Naku, for sure, si Sue ang unang-unang papalag d'yan, ‘no?

‘Kaaliw ang mga comments ng ilang celebrity friends ni Dom tungkol sa bago niyang kotse. Kabilang na sina Marco Gumabao, Jak Roberto at pati ang tiyahin niyang si Beth Tamayo.


“Buti pa ‘yung oto, malakas,” biro ni Marco.

Sinagot naman siya ni Dom, “Hahaha! hayop.”

Harot pa more!



PORMAL nang naglabas ng opisyal na pahayag si Judy Ann Santos kaugnay ng mga naglalabasang videos online na ginagamit siya bilang promotional material sa pagbebenta at pagpo-promote ng mga produkto.


Deklarasyon ni Juday at ng kampo ng aktres, fake ang mga advertisement videos niya na kumakalat online. Ginamit lamang daw ang mukha at boses ni Juday.


Matagal nang may gumagawa ng ganito kay Juday at karamihan ay naka-post sa Instagram (IG). Marami na ring nagparating sa aktres, kabilang ang mga kaibigan at kamag-anak niya, tungkol dito. 


Patuloy pa raw itong dumarami kaya kumilos na ang kampo ni Juday.


Ayon sa inilabas nilang official statement, “Please be advised that we do not sell, promote, or endorse any of the products featured in these videos or posts. These materials are unauthorized and use AI-manipulated images and videos to falsely associate Judy Ann Santos with certain brands and sellers.


“We urge the public to remain vigilant and discerning. Please be cautious of misleading content and unauthorized online sellers.”


Ipinost ni Juday sa kanyang IG ang verified social media accounts bilang official endorsements, announcements and communications ng aktres.


Kinondena naman ng mga IG followers ni Juday ang mga gumawa ng fake endorsements niya online.

Sey ng mga netizens…


“May nakita pa ako sa TikTok, nagpapa-cash loan si Ate Juday. Ini-report ko nga, eh.”

“Naku! Ang daming gumagamit ng AI. Si @officialjuday ginagamit na endorser pero fake naman.”


Ay, sus!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page