top of page
Search
BULGAR

May ganern, Dominic?! KATHRYN, IUUWI NI ALDEN SA BAHAY PARA IPAKILALA SA PAMILYA

ni Nitz Miralles @Bida  | September 18, 2024



Showbiz News

Binibiro si Alden Richards na iuuwi niya sa kanilang bahay si Kathryn Bernardo para ipakilala sa kanyang pamilya na nakatira sa Sta. Rosa, Laguna.


Ang first mall show kasi nila para sa kanilang movie na Hello, Love, Again (HLA) ay sa hometown ni Alden sa October 5, na gaganapin sa Ayala Malls Solenad Activity Park sa Nuvali. Ilang metro lang ang layo nito sa bahay nina Alden, kaya puwedeng-puwede silang mag-segue para maipakilala ng aktor sa kanyang pamilya si Kathryn.


Very supportive kasi sa HLA ang pamilya ni Alden. Katunayan, tumutulong ang sister ng aktor sa promotion ng movie. 


Saka, ilang beses nang na-meet ni Alden ang pamilya ni Kathryn dahil bumibisita siya sa bahay ng mga Bernardo. This time, si Kathryn naman ang may chance na makilala ang pamilya ng kanyang kapareha sa collab movie ng Star Cinema at GMA Films.


Isasabay sa first mall show ng HLA ang unveiling ng official poster na nagpapa-excite sa mga fans dahil finally, makikita na nila uli sina Alden at Kathryn bilang sina Ethan at Joy respectively.


 

PINABILIB ni Kyline Alcantara ang kanyang mga fans nang sumali sa ginanap na Yamaha bLU cRU All-star Racing Cup sa Carmona Racetrack sa Cavite. 


Astig ang datingan ng Shining Inheritance (SI) star sa kanyang suot na motorcycle gear.

Sey ni Kyline, “Did a first and never in my wildest dream that I have thought that I can do it. Thank you, Yamaha fam and YAMAHA bLU cRU ALL-STAR RACING CUP, for making me a team captain. That was such an epic moment and made me really kilig with adrenaline. Time to suit up and put my gears on to the next race.”


Tanong ng mga fans kay Kyline, meron ba siyang hindi kayang gawin? Ilabas na raw niya para hindi na sila magulat. 


Nakita pa lang nila si Kyline na rumampa sa runway sa New York Fashion Week (NYFW), tapos ngayon, nasa motorcycle race naman.


Ang sabi, motor ng tatay ni Kyline ang ginamit niya sa race, pero may nagsabi namang ipinahiram lang ito ng Yamaha. 


Whatever, ang mahalaga, successful ang first motorcycle race na sinalihan niya.

Nakasama ni Kyline si Ruru Madrid na captain naman ng kanyang team, at sumali rin sa motorcycle race sina Ella Cruz, Markus Paterson, Marlon Stockinger, at Miguel Tanfelix.


Hinanap ng mga fans nila si Kobe Paras at sa mga nag-like at nag-comment sa post ng aktres sa sinalihang race, wala ang pangalan ni Kobe. Na-miss ng kanilang shippers na mabasa ang pangalan nito.


 

MAY reunion ang mga stars ng That’s Entertainment (TE) sa Gen Z series ng GMA-7 na MAKA dahil magkakasama sina Romnick Sarmenta, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, Jojo Alejar at Tina Paner. 


Natuwa ang mga fans ng TE dahil ngayon lang uli nila mapapanood nang sabay-sabay ang lima sa iisang show.


Enjoy ang lima na magkakasama uli sila at magaganda pa ang kani-kanilang role. 

Si Romnick ay gaganap na professor at si Maricar ay principal. 


Ang daming realization ng lima na makasama ang young cast na napupuri nila dahil mababait at magagalang daw. Maganda ang working experience nila sa mga bagets na kinakitaan din nila ng pagka-seryoso sa kanilang trabaho.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page