top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May fully furnished house and lot pa ang 4 na Olympic medallist

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 28, 2021




Bilang pagtupad sa kanyang pangako, nakatakdang ipagkaloob ng pamahalaan mula sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang insentibo na fully furnished house and lot sa apat na 2020 Tokyo Olympic medalists sa kanya-kanyang probinsya mula sa National Housing Authority.


Kapit-bisig sa pagsasaayos ng naging pangako ng Pangulo sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez at NHA General Manager Marcelino P/ Escalada Jr. upang maging patotoo sa pagbigay ng pangarap na tahanan para sa mga pamilya nina first Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ng women’s weightlifting, silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medal winner Eumir Felix Marcial.


“[I hope that it could] inspire a child somewhere to take up sports and one day take their turn in bringing pride to the Philippines,” pahayag ni Ramirez hinggil sa nakuhang tagumpay ng mga atleta sa Tokyo Olympics.


Nakahanda na umanong ipagkaloob ang dalawang fully furnished 2-storey house and lot kina Diaz at Marcial na nakatakda sa Setyembre 2 sa Zamboanga, habang ibibigay naman ang kani-kanilang units nina Petecio at Paalam sa Davao sa iaanunsyo pang petsa.


Idinetalye ni Escalada na parte ng 2-storey building ay ang 2-bedroom na may floor area na 60 sq.m at kabuuang lote na 80sq.m. na napinturahan ng buo, nabaldosahan na at mayroon ng linya ng kuryente at tubig.


Parte ang kanilang panibagong ari-arian ng isang maayos na kumunidad na malapit sa wet and dry market, police outpost at iba pang serbisyong institusyunal.


Hindi naman maitago ng 71-anyos na sports leader mula Davao ang kanyang kaligayahan para sa nakamit ng apat na Summer Olympic Games medalists na nakikinitang may darating pang mga magagandang bagay sa mga ito dahil ito’y nararapat lamang para sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page