May ending plate number na 8,9 at 0… Bisa ng registration ng sasakyan, extended – LTO
ni Lolet Abania | August 13, 2022

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng registration ng ilang mga sasakyan.
Ang mga apektadong behikulo na may plate numbers na nagtatapos sa 8, 9, at 0.
Ayon sa LTO, ang mga extended ang validity ng kanilang registrations ay ang mga sumusunod:
•Sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 8, hanggang Setyembre 30, 2022;
•Sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 9, hanggang Oktubre 31, 2022;
•Sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 0, hanggang Nobyembre 30, 2022.
Una nang sinabi ng LTO, na makikipagpulong sila sa kanilang information technology service providers upang talakayin ang delays ng registrations at licensing.
Sa isang public briefing, ayon kay LTO National Capital Region Director Clarence Guinto, ang isyu ay isang “priority concern” para kay LTO chief at Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Teofilo Guadiz III.
Binanggit naman ni Guinto na ang Land Transportation Management System portal ng LTO ay nakararanas ng downtimes at mga glitches.
Ayon pa kay Guinto, ang LTO ay nasa transition period kasama ang dalawa nitong IT service providers.





Comments