top of page

May dollar deposit bago mai-date ang anak… LUIS, GUMAWA NG APPLICATION FORM PARA SA GUSTONG MANLIGAW KAY PEANUT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 1, 2025



Photo: Luis Manzano - IG



Sa Instagram post ng aktor at TV host na si Luis Manzano ay nagbahagi siya ng larawan ng “application to date my daughter” na tipong job application form.

May caption itong: "Kidding not kidding..." 


Simple lang din ang format na dapat sagutan ng mga aplikante at dapat sagutan nang maayos at hindi magkakamali, or else, ‘di kayo papasa sa pag-a-apply na maka-date ang apo ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.


Ilan sa mga unang tanong:

“Name:  Last:  First:  Middle Initial:

Age:  Address: City: County:”


At siyempre, dapat malaman din ng mga magulang ni "Peanut" kung ano ang religion at kung saan nagsisimba ang mag-a-apply. Kaya kasama rin sa application form na sasagutan ang:


“Religion: Church: Number of attendance in last year:”


At ang pinakaimportante na hindi rin kinalimutan ni Luis, ay ang impormasyon tungkol sa pamilya ng mag-a-apply tulad ng:

“Family Information. Father's Name:

# Marriages: # Years  Address: 

Mother's Name: # Marriages:

# Years:  Address:”


Siyempre, hindi rin mawawala ang mga nakakatuwang tanong ni Luis na…

“1. Do you own or drive a van? yes/no (If yes, please discontinue filling out this form.)

2. In 50 words or less, describe what "NO" means to you.

3. In 50 words or less, describe what "LATE" means to you.

4. Where would you least like to be shot?

5. Which is the last bone you want broken?

6. What do you want to be "IF" you grow up?

7. Please complete this sentence: "A Woman's place is....",

8. What is my daughter's name?

9. Who, besides God, should you fear the most?”


At tulad ng pag-a-apply sa trabaho, dapat may lista rin ng tatlong reference. Kaya naman kasama pa rin ito sa application form tulad ng…


“Please list three reference, Name of Parent, Name of Daughter, Reason relationship ended.”

At hindi pa ru'n natapos ang joke ng host ng Rainbow Rumble na si Luis sa kanyang ginawang application form, dahil may pahabol pa si Luis na special notice sa form niya.

“Special Notice: If accepted, there will be a $50.00 deposit when you pick up my Daughter. If you are one minute late the deposit will be forfeited.


“If you are more than 30 minutes late, please refer to question number 5.”

Maraming netizens ang natawa sa post ng butihing ama ni Peanut, at may mga gusto pang gayahin ang ginawang application form ni Luis para raw sa mga anak nila. 

Sabi nga ni Joross Gamboa sa comment section post ni Luis ay "Question 1." 


At may nagsabi rin ng "Ayos to." Hahaha! At sumagot naman si Luis ng "Mahirap na!”

Ang galing talaga ng daddy dearest mo, Peanut, walang kahirap-hirap ang mag-a-apply. Kailangan lang na makapasok sa butas ng karayom na tulad ng isang sinulid.

Pak, ganern! Insert smiley.



SAGLIT na nagpahinga sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Jessy Mendiola sa kanilang mabibigat na eksena sa Sins of the Father upang makisaya sa mga Batangueños sa pagdiriwang ng Sublian Festival.


Kasama rin sa latest stop ng Kapamilya Karavan sina JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, at Seth Fedelin, na naghatid ng performances sa SM City Batangas noong Hulyo 19.


Samantala, patuloy ang crime drama na Sins of the Father sa pagpukaw ng damdamin ng mga manonood pagkatapos ng nangyaring kidnapping sa anak ni Samuel (Gerald) na si King (Clave Sun).


Sa pagpapakamatay ng isang biktima (Smokey Manaloto) dahil sa epekto ng Yayaman Tayo investment scam, nagdesisyon na si Samuel na makipagtulungan kay Agnes (Jessy) para masugpo ang mga tunay na scammer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page